14. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagsuporta sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? A Nag-aabang ang mga tao na magwakas ang mga kilos protesta B. Nananatili ang mga tao sa kani-kanilang tahanan sa panahon na isinulong ni Mussolini ang Pasismo C. Nagbibigay ng mga pagkain ang mga kababaihan sa mga Amerikano sa panahon ng Great Depression. D. Nananatiling walang kibo ang mga mamamayan sa kabila ng mga pangyayari sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 15. Paano ipinakita ang pagsisikap ng mga pinuno ng mga bansa na wakasan ang Unang Digmaang Pandaigdig? A pagbuo ng Alyansa B. pagsapi sa Liga ng mga bansa C. pagbabalik sa France ng Alsace-Lorraine D. pagbibigay sa Germany ng Hilagang Schleswig 16. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa layunin ng United Nations? A. Mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad ng mga bansang kasapi. B. Mapamahalaan ang sistemang pampolitikal at pang-ekonomiya ng mga kasaping bansa. C. Mapaunlad ang relasyong pagkakaisa ng mga bansa batay sa pantay na karapatan at sariling determinasyon ng mga tao. D. Matamo ang pagkakaisa sa paglutas ng mga suliraning international sa isyung pangkabuhayan, sosyal, kultural, at pagtataguyod ng paggalang sa karapatan ng tao. 17. Bakit hindi nagtagumpay ang League of Nations? A. walang nagnais na maging pinuno nito B. sinakop ng bansang Japan ang Manchuria at ginawang kolonya C. hindi pinayagang sumali sa League of Nations ang Germany at Italy D. hindi lahat ng makapangyarihang bansa ay naging kasapi ng League of Nations 18. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga kinakatawan ng mga bansa ay bumuo ng isang samahan na naglalayong magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga nakilahok na bansa. Alin sa sumusunod na samahan ang nabuo? A League of Nations B. United Nations Organization C. North Atlantic Treaty Organization D. Association of South East Asian Nations 19. Ang bawat bansa ay may sinusunod na ideolohiya. Alin sa sumusunod na tambalan ng ideolohiya at bansa ang HINDI magkatugma? A. Komunismo - China C. Monarkiya - Great Britain B. Totalitaryanismo - Japan D. Demokrasya - South Korea 20. Alin sa sumusunod na ideolohiya ang may layuning pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag-uuri ng lipunan (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag- aari ng lipunan. A. monarkiya B. kapitalismo C. komunismo D. demokrasya​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.