11.Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa
kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas-paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang-yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.
12.Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga
tao. Higit na napaunlad ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang
pangunahing pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip ng pamamaraan, ano
ang inyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at
makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?
A. Gagamitin nang wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa
pangangailangan ng tao.
B. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng
Pamahalaan.
C. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na
pakinabangan ng mamamayan.
D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.
13.Ang pagkakaroon ng malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng
maraming produkto at nakapagpapalaki ng produksiyon na nakatutulong sa
pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang bansa. Anong larangan ang
pinagtutuunan ng pansin dito?
A. Agrikultura
B. Ekonomiya
C. Panahanan
D. Turismo
14.Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?
A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar.
B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsiyento ng kriminalidad.
C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman.
D. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan.
15.Ano ang epekto ng Land Conversion?
A. Kakulangan ng espasyo ng tirahan ng tao
B. Paglaki ng bolyum ng basura sa mga tahanan
C. Pagkawasak ng tirahan ng iba’t ibang species ng hayop
D. Pagdami ng produksiyon ng pagkaing butil

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.