11. Sino ang Agustinian na namuno sa unang pagmimisyon sa Pilipinas noong 1565? 

A. Pedro de Valderama

B. Juan de Plasencia

C. Andres de Urdaneta

D. Jacinto Zamora

12. Ano ang kaugnayan ng reduccion o sapilitang paglilipat sa mas maayos na pamayanan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo? 

A. Mas napapadali ang paglalakbay ng mga misyonero patungo sa iba’t –ibang lugar.

B. Mas nagiging maayos ang pook tirahan na maaaring tayuan ng mga simbahan.

C. Mas nagiging epektibo ang pagdarasal ng mga katutubo sa mas maayos na pamayanan.

D. Mas napapadali ang pagbibinyag sa mga katutubo para sa bagong relihiyong Kristiyanismo.

13. Sa paanong paraan itinuro sa mga katutubo ang mga aral ng simbahan gamit ang inilimbag na Doctrina Christiana? 

A. Kumpil

B. Binyag

C. Katekismo

D. Komunyon

14. Ano naging reaksyon sa mga katutubong Pilipino ang pagdating ng Kristiyanismo? 

A. may mga tumanggap at nagpabinyag

B. may mga tumanggi at nakipaglaban

C. may tumanggap pero bumalik sa dating paniniwala

D. lahat ng nabanggit

15. Bakit hindi naging madali para sa mga misyonero ang palaganapin ang Kristiyanismo sa Pilipinas? 

A. Layu-layo ang mga tirahan ng mga katutubo at nahirapan ang mga Espanyol na marating ang mga lugar.

B. Kakaunti ang mga misyonerong Espanyol.

C. May mga katutubong nanatiling tapat sa kinagisnang paniniwala.

D. Lahat ng nabanggit.

16. Ano ang tawag sa mga mandirigmang katutubo na binabayaran upang kumalaban sa kapwa katutubo? 

A. Konstable

B. Misyonero

C. Pintados

D. Gwardiya Sibil

17. Ano ang tawag sa mga Espanyol na binigyan ng hari ng Espanya ng kapangyarihan upang magpalakad at mangalaga ng isang lupain? 

A. prayle

B. polista

C. encomendero

D. conquistador

18. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat ginawa ng mga encomendero sapagpapatakbo ng encomienda?

A. Panatilihin ang kapayapaan at kaayusan.

B. Maging mapang-abuso sa paniningil ng buwis

C. Pangalagaan ang kapakanan ng mga katutubong nasasakupan laban sa mga kaaway.

D. Tulungan ang mga misyonerong pari sa kanilang pagpapalaganap ng kristiyanismo.

19. Alin ang tumutukoy sa sapilitang paggawa ng mga kalalakihan sa panahon ng Espanyol?. 

A. tributo

B. encomienda

C. polo y servico

D. reduccion

20. Paano nakaapekto ang tributo o buwis sa mga Pilipino?

A. Labis na natuwa ang mga Pilipino sa pagbabayad ng tributo o buwis.

B. Umunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa tributo o buwis.

C. Kusang loob na sumunod ang mga Pilipino sa paagbabayad ng tributo o buwis.

D. Labis na nagpahirap sa mga Pilipino ang pagbabayad ng triuto o buwis. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.