11. Alin sa mga sumusunod na lugar sa Pilipinas ang hindi nasakop ng mga Espanyol? *
1 point
A. Maynila
B. Cebu
C. Ilocos
D. Cordillera

12. Sa paanong paraan napanatili ng mga katutubong Igorot at Muslim ang kultura, relihiyon at kalayaan nila sa mga Espanyol? *


A. Sila ay nagpasailalim sa mga mananakop.
B. Sila ay nagpabinyag sa Kristiyanismo.
C. Sila ay lumaban at nakipagdigma sa mga Espanyol.
D. Sila ay sumunod sa utos ng hari ng Espanya.

13. Ano ang layunin ng Divide and Rule Policy *

A. Pagwatak- watakin ang mga katutubo upang maiwasan ang kanilang pagkakaisa.
B. Pagsasama-sama ng pangkat ng mga katutubo sa isang pueblo.
C. Pagpaslang sa mga katutubong hindi sumunod sa utos.
D. Pagpapalaya ng mga katutubong nakulong at naparusahan.

14. Nang mamatay si Legazpi, ang naging kapalit niyang Gobernador-Heneral ay si Guido de Lavezares, Ngunit hindi ito naibigan ng mga katutubo kaya nag-alsa sina Lakan Dula at Sulayman. Ano ang dahilan ng kanilang pag-aalsa? *


A. Dahil inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legaspi sa kanila at sa hangarin nilang makalaya sa kamay ng mga Espanyol.
B. Dahil nais na mapamunuan nina Lakan Dula at Sulayman ang mga katutubo sa Tondo.
C. Kasapi na sina Lakan Dula at Sulayman sa mga kasundaluhan ng mga Espanyol.
D. Upang maibalik ang yaman na kinuha ng mga Espanyol sa mga Datu ng Tondo kaya nag-alsa sina Lakan Dula at Sulayman.

15. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipino sa sitwasyong ito. Hinarang ng mga kasamahan ni Maniago ang daanan ng mga pagkain para sa mga Espanyol upang sila ay magutom at mapilitang ibigay ang kanilang mga hinihiling. *

A. Kasipagan
B. Katalinuhan
C. Katapangan
D. Pagkakaisa

16. Bakit tinawag na “tribus independientes” o "tribung malaya" ang mga Igorot? *


A. Dahil napasunod ng mga Espanyol ang mga Igorot.
B. Dahil hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na mapasunod ang mga Igorot.
C. Dahil lahat ng mga Igorot ay naging sibilisado.
D. Dahil nabinyagan ng mga Prayle ang mga Igorot sa Kristiyanismo.

17. Anong patakaran na ipinatupad ng mga Espanyol ang tinutulan ng mga Igorot? *

A. Monopolyo ng Tabako
B. Encomienda
C. Kalakalang Galyon
D. Polo Y servicio

18. Bakit nagtatag ang mga Espanyol ng “Commandancia del Pais de Igorrotes” o Batas Militar sa mga Igorot sa Cordillera? *

A. Dahil sa digmaang Moro.
B. Upang baguhin ang relihiyong animismo ng mga Igorot.
C. Upang makakkuha ng mga ginto sa Cordillera.
D. Upang mabantayan at mapasunod ang mga Igorot at mga katutubong Pilipino sa Monopolyo ng Tabako.

19. Ang mga Pangkat ng mga Igorot ay hindi nasakop ng mga Espanyol, Alin ang hindi kabilang sa mga Pangkat etnolingguwistiko ng mga Igorot sa Cordillera? *


A. Kalinga
B. Ifugao
C. Kankanaey
D. Aeta

20. Paano nais tustusan ng mga Espanyol ang Spain sa pagsiklab ng Thirty Years War na kinasangkutan ng Espanya? *

A. Sa pamamagitan ng pagmimina ng ginto sa kabundukan ng Cordillera.
B. Sa pagkumbinsi nila sa mga Muslim upang maging sundalo sa digmaan.
C. Sa pamamagitan ng pagbibinyag ng lahat ng katutubong Igorot.
D. Sa pamamagitan ng pagdadala ng mga sundalong katutubo sa digmaan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.