10. Sa panahon ng piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari, kabalyero at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
B. Malaya nilang napauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C. Itinuturing silang natatanging sektor ng lipunan.
D. Sila ang bumubuo sa masa ng tao noong Panahong Medieval.
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Sino ang mga Serf?
Ang mga serf ang bumubuo sa masa ng mga tao noong Panahong Medieval, kaya ang tamang sagot ay letrang D.
Explanation:
Karamihan sa populasyon noon ng Europa ay nabibilang sa masa, at sila ay nagtatrabaho bilang mga serf sa mga sakahan at taniman. Uso pa noon ang feudalism at manorialism sa Europa, kaya naman bukod sa mga hari at mga vassal, kailangan din na magkaroon ng mga serf na magtatrabaho sa mga taniman. Karamihan sa mga serf ay mahihirap, o hindi naman kaya ay kinuha bilang mga alipin galing sa ibang mga bansa. Mahirap ang buhay ng mga serf at kailangan nilang magtrabaho ng magtrabaho araw-araw upang sila ay may makain.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga serf, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/799727
#BrainlyEveryday