Questions


November 2022 1 3 Report
10. Maraming paraan upang mapigilan ang mabilis na pagkawala ng biodiversity. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang maisagawa ito? A. Ipaubaya ang paglutas ng suliranin sa mga lokal na opisyal B. Makibahagi sa mga proyektong may kinalaman sa pagsagip sa kalikasan C. Maging mulat sa mga pangyayari sa kapaligiran D. Tangkilikin ang mga biodegradable na produkto 11. Bakit mahalagang panatilihin ang ecological balance o balanseng kalagayang ekolohikal ng Asya? A. Sapagkat anuman ang maging kalagayan ng ekolohiya ng rehiyon ay tiyak na makaaapekto sa kalidad ng kapaligirang pandaigdig. B. Sapagkat maaaring magdulot ito ng kaguluhan sa lahat ng mga mamamayan sa isang bansa. C. Upang maging mabuting ehemplo sa ibang mamamayan sa iba pang mga kontinente. D. Upang mapanatiling maganda ang ating kapaligiran. 12. Isa sa suliraning kinakaharap sa kasalukuyan ay ang pagtaas ng produksiyon ng basura dulot ng mataas na populasyon. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing epekto ng suliraning ito? A. Kakulangan sa pagkain B. Pagkakasakit ng tao at polusyon sa kapaligiran C. Pagkakalbo ng kagubatan D. Pagtaas ng temperatura ng daigdig 13. Libo-libong tao ang nakiisa sa tinatawag na Earth Hour upang mabawasan ang pagtaas ng katamtamang temperatura sa daigdig. Alin sa sumusunod na mga suliraning pangkapaligiran ang nais tugunan sa pahayag? A. biodiversity B. deforestation C. ecosystem D. global warming 14. Ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan ng ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran? A. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makaaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. B. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning pangkapaligiran at ekolohikal. C. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong pagpapalaganap sa paggamit ng likas na yaman. D. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.