Questions


August 2022 1 3 Report
1. Sa Asya matatagpuan ang mga bansang nangunguna na may pinakamalaking populasyon sa mundo. Ano ang isang matinding hamong kinakaharap ng mga pamahalaan sa Asya?

A. Malaking sahurin sa mga mambabatas para sa paggawa ng mga batas na magbibigay solusyon sa pataas at pataas na bilang ng populasyon

B. Malaking gastusin ang ilalaan para sa pagkain, pananamit, pabahay, kalusugan at edukasyon ng lumalaking populasyon

C. Maraming bata ang malulong : ibat ibang bisyo tulad ng paggamit ng druga, paglalaro sa online games, atbp

D. Malaking pundo ang ilalaan para sa mga bagay na nagbibigay aliw sa mga mamamayan

2. Batay sa datos mula sa Central Intelligence Agency, ang bansang lapan ang may pinakamataas na bahagdan ng inaasahang haba ng buhay (life expectancy) sa Asya, umaabot sa 84 taong gulang ang karamihan sa mga mamamayan Ano kaya ang naging dahilan nito?

A. Kayang tustusan ng pamahalaan ang pangangailan ng mga mamamayan tulad ng pagkain, medikal at iba pang mga programang may kaugnayan sa kalusugan

B. May maraming magagaling na doktor at hospital dito

C. Mamahalin at masasarap ang kanilang mga pagkain

D. Mahilig mag ehersisyo ang mga tao dito

3. Parami at parami ang mga tao na nandarayuhan sa ibat ibang mga bansa at lalo na ang sa mga pook urban. Ano ang pangunahing dahilan nito?

A. Sa paghahangad na magkaroon ng mataas na kita, may kalidad na edukasyon ang mga anak at ang mabuting buhay para sa kanilang pamilya

B. Sa pagnanais na makakapunta at makakatira sa mga syudad

C. Para makaiiwas sa di kaaya ayang klima sa kanilang lugar

D. Ang pagnanais na makapasyal sa ibang lugar o bansa

4. Ano kaya ang epekto ng patuloy na mabilis na pagdami ng populasyon sa ating likas na yaman at maging sa mundo?

A. Karagdagang gastusin ng pamahalaan para matustusan ang panganga-ilangan sa pagkain

B. Mas mapadali ang kaunlaran ng bansa dahil magkakaroon ito nga maraming lakas paggawa

C. Ito ay nagdudulot ng karagdagang presyur sa mga likas na yaman sa Asya at sa mundo

D. Tataas ang pangangailangan sa pabahay ng bansa

5. Ano ang iyong magagawa para upang makakatulong sa iyong bansa kahit nabibilang kas batang populasyon?

A. Makikisama sa mga demonstrasyon na ginagawa ng mga aktibista upang maparating sa pamahalaan ang hinanaing ng mga kabataan at mamamayan

B. Maglibot-libot sa kasambahayan upang malaman ang kanilang mga suliranin at maipagbigay alam ko sa kinauukulan

C. Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral upang makapagtapos sa kurso na ninanais at magkaroon ng mabuting kinabukasan.

D. Liliban muna sa pag-aaral upang maibsan ang gastusin ng aking pamilya at ating pamahalaan

8. Lahat ng mga bansa sa mundo ay kasalukuyan humaharap sa suliraning dulot ng pandemya na COVID-19. Ano ang epektong dulot nito sa pamumuhay ng bawat tao at kaunlaran ng isang bansa?

A. Maraming mga tao at mga bansa ang naghihirap dahil nawalan ng hanapbuhay at pataas na pataas ang gastusin para sa kalusugan ng mga mamamayan

B. Naibsan ang suliranin sa polusyon sapagkat kakaunti nalang ang mga sasakyan na lumalabas at maraming pagawaan ang nagsara

C. Ang karamihan sa mga mamamayan ng mga bansa ay nakaramdam ng takot at nagkakaroon ng anxiety

D. Naging mapayapa ang bansa dahil kakaunti na lang sa mga mamamayanang lumalabas

9. Madalas nating marinig mula sa ating mga magulang ang mga katagang "Ang tanging maipapamana ko sa iyo ay ang edukasyon kaya pagbutihan mo ang iyong pag-aaral". Ano ang ipinahihiwatig nito?

A. Ang mga materyal na bagay ay pwedeng mawawala ngunit ang karunungan ay ang makatulong para malangat ang iyong sarili at bansa

B. May malaking halagang pera na ang inilagak ang iyong mga magulang sa banko para magkakaroon ka ng mabuting kinabukasan

C. Yayaman ka sa dadating na panahon kung mag aaral ka ng mabuti sa kasalukuyan

D. May inihanda na educational plan para sa iyo ang iyong mga magulang

10. Ang per capita GDP ay ang kita ng bawat mamamayan sa isang bansa. Bakit mahalagang batayan ito sa kaunlaran ng isang bansa?

A. Ito ang pinagbabatayan ng pamahalaan sa halaga ng buwis na kinakaltas mula sa sahod ng bawat mamamayan sa isang bansa

B. Malalaman ang gastusin ng pamahalaan sa bawat mamamayan na nabibilang sa isang bansa

C. Dahil ito ang nagbibigay kaalaman sa mga produktong iniluluwas ng isang bansa

D. Sa pamamagitan nito malalaman ang antas ng kaunlaran ng isang bansa


Patulong nga tinamad Ako... ^^​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.