Questions


November 2021 1 2 Report
1.
Paano nakatulong ang pagbubukas ng Suez Canal sa pagkagising ng damdaming makabansa ng
mga Pilipino?
A. Napabilis ang pagdadala ng mga kalakal.
B. Nagkaroon ng maraming kaibigang bansa ang Pilipinas.
C. Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Espanyol.
D. Naging mabilis ang paglalakbay at nakapasok ang mga kaisipang liberal sa bansa.
2. Ano ang magandang naidulot ng pagbukas ng Suez Canal?
A. Humina ang pag-angkat at pagluwas ng mga kalakal.
B. Nagkaroon ng pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas.
C. Maraming Pilipino ang hindi nakapag-aral sa ibang bansa.
D. Bumagal ang pagdala ng mga Espanyol ng armas sa Pilipinas.
3. Alin ang naging pangunahing bunga ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa kanluran
at silangan ng Pilipinas?
A. Yumaman ang maraming Pilipino.
B. Naging malawak ang impluwensiya ng Pilipinas sa mundo.
C. Nakilala ang Pilipinas sa pagiging isang maunlad na bansa.
D. Dumating sa Pilipinas ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula sa ibang bansa.
4. Paano nakatulong ang adhikain ng rebolusyong Pranses sa mga
Pilipino? A. Mas lalong naging pabigat sa Pilipinas ang mga Pranses.
B. Nakatulong ang mga Pranses sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
C. Nagkaroon ng pagkakapantay-pantay, kalayaan at pagkakapatiran sa loob ng bansa. D.
Naging abala sa pagtulong ang mga Espanyol sa Pransiya kaya bahagyang nakaligtaan ang
Pilipinas.
5. Ang panunungkulan ni Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre ay nakatulong ng malaki sa
pag-usbong ng nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino. Alin ang HINDI kabilang sa uri ng kanyang
pamamahala sa ating bansa?
A. Nabigyan ng ilang kalayaan at karapatan ang mga Pilipino.
B. Naipamulat niya sa mga Pilipino ang kahalagahan ng kalayaan.
C. Hinatulan ng kamatayan ang mga Pilipinong lumalaban sa mga Espanyol. D.
Ipinaramdam niya sa mga Pilipino na hindi sila alipin, kung hindi mamamayang bahagi ng
lipunan.
6. Bakit maraming Espanyol ang tumutol sa panunungkulan ni Carlos Maria de la Torre
bilang gobernador – heneral ng bansa?
A. Pagpapatapon niya kay Rizal sa Dapitan.
B. Pagpapatapon niya sa mga Espanyol pabalik sa Espanya.
C. Pagbibigay niya ng mataas na posisyon sa mga Pilipino sa pamahalaan.
D. Pagbibigay niya ng magandang pribilehiyo at pakikitungo sa mga Pilipino.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.