Questions


September 2022 1 3 Report
_____ 1. Nagtatag ng monopolyo sa tabako upang lumaki ang kita ng pamahalaan. A. Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman B. Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera C. Gobernador-Heneral Marcelino de Lecumberri D. Gobernador-Heneral Jose Basco y. Vargas

_____ 2. Ito ang pangunahing dahilan ng pagkatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa. A. Dahil mahilig manigarilyo ang mga Espanyol B. Naniniwala ang gobernadora heneral na mas matatag ang ekonomiya dahil mataas ang demand ng tabako sa kalakalan. C. Mahilig magtanim ng tabako ang mga Ilocano. D. Para maging sikat ang tabako sa bansa

_____ 3. Ang kahulugan ng monopolyo sa tabako ay _________________. A. Tabako lamang ang dapat itanim at wala nang iba pa sa mga piling lalawigan. B. Tawag sa ekonomiya ng bansa dahil sa pagiging kilala nito sa daigdig. C. Mas marami pa ang pananim ng tabako sa Pilipinas kaysa sa palay. D. Maraming Pilipino ang nagtatanim ng tabako kaya naging monopolyo ito.

_____ 4. Naging tanyag ang tabakong pananim sa Pilipinas sa tawag na ___________. A. Tabakong Pilipinas C. Tabakong Cagayan B. Tabakong Pilipino D. Tabakong Marinduque

_____ 5. Ito ang nangangasiwa sa pagtatanim ng tabako at ang maaaring bumili nito. A. gobernadora-heneral C. pamahalaan B. Pilipino D. inspektor

_____ 6. Ito ang dahilan bakit hindi naibigan ng mga Pilipino ang pamamahala sa monopolyo sa tabako. A. Naghirap at nagkulang sa pagkain ang mga magsasaka. B. Ang mga magsasakang napinsalaan ay pinagmumulta at binabawian ng lupa. C. Hindi nababayaran ang mga magsasaka sa kita nila sa tabako. D. Lahat na nabanggit

_____ 7. Naghirap at nagkulang sa pagkain ang mga magsasaka sa industriya ng tabako sa anong dahilan. A. Dahil ibinubulsa lamang ng mga inspektor na gahaman ang bayad sa mga magsasaka. B. Dahil tabako lamang ang kanilang itinatanim at hindi nakapagsasaka ng palay C. Dahil hindi nila maaaring ibenta ang itinanim na tabako sa iba sapagkat pamahalaan lamang ang maaaring bumili ng tabako. D. Lahat na nabanggit​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.