Questions


October 2022 2 1 Report
1. Nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng tao ang pagkadiskobre ng apoy sa Panahong Paleolitiko. Alin sa sumusunod na pahayag ang HIGIT na maglalarawan dito?

A. Ginagamit ang apoy bilang pantaboy sa masamang ispiritu.
B. Nakakagawa ng maraming bagay ang tao dahil maliwanag kung gabi.
C. Dahil sa apoy naging madali ang pagsusunog ng mga gubat upang gawing sakahan.
D. Dahil sa apoy naging madali ang paghahanda ng pagkain at hindi na kumakain ng hilaw na pagkain ang tao

2. Ang hayop noong unang panahon ay tinitingnang isa sa maaaring magdulot ng kapahamakan sa tao. Paano binago ng panahon ang ugnayan ng tao at hayop?

A. Naging katuwang ng tao ang hayop sa paghahanapbuhay at kalaunan naging kaibigan at kasama sa bahay.
B. Naging pahirap sa tao ang hayop dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.
C. Naging salot sa tao ang hayop dahil nangangagat ito.
D. Nagbibigay saya ang hayop sa mga tao.

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa panahanan ng mga tao sa Panahong Neolitiko?

A. May mansyon na tinitirhan ng hari. .
B. Maraming pamilya sa isang bahay.
C. Gawa sa mamahaling kagamitan ang mga bahay.
D. Ang mga tao ay nakatira sa permanente at matibay na tirahan.

4. Ang sumusunod ay ginagawa ng mga sinaunang tao noong Panahon ng Neolitiko MALIBAN sa isa:

A Pangangaso
B. Pagsasaka
C. Pangangalakal
D. Pagtatanim

5. Umunlad ang buhay ng tao sa panahong Neolitiko. Alin sa sumusunod na katangian ng mga sinaunang tao ang HINDI kabilang sa susi ng kanilang pag- unlad?

A. Naghahanap ng paraan kung paano uunlad ang hanapbuhay.
B. Tinitiis ang hirap sa paghahanapbuhay upang kumita ng pera.
C. Umaasa sa swerte at bigay na tulong mula sa kaibigan at kakilala
D. Lumilikha ng bagong bagay na makakatulong upang mapadali ang mga gawain​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.