1. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa bansa.
a. isyung showbiz
b. kasaysayan
c. kontemporaryong isyu
d. balita

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?
a. ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa kasalukuyan b. ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
c. ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao
d. ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan,

3. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran at pangkalusugan. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa pandemya tulad ng COVID-19?
a. isyung panlipunan
b. isyung pangkapaligiran
c. isyung pangkalusugan
d. isyung pangkalakala

4. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay isang uri isyung?
a. panlipunan
b. pangkalusugan
c. pangkapaligiran
d. pangkalakalan

5. Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo
a. isyung pangkapaligiran
b. isyung pangkalakalan
c. isyung panlipunan
d. isyung pangkapaligira

6. Ang Pilipinas ay nakararanas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa
a. kawalan ng hanapbuhay ng mga tao b. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
c. hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
d. ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga

7. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon, subdibisyon o sentrong komersyo?
a. paglipat ng pook tirahan
b. ilegal na pagtotroso
c. pagdami ng populasyon
d. ilegal na pagmim

8. Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan?
a. dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad.
b. mailigtas ang maraming ari-arian. c. hindi mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang kalamidad.
d. walang maayos na plano ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad. 9. Paano magiging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna o kalamidad? a. pagtutok saulat panahon ng PAGASA.
b. pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS
c. pakikinig at panunuod sa SOCIAL MEDIA.
d. mahusay na plano ng DISASTER MANAGEMENT

10. Alin sa sumusunod na sitwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
a. lahat ng desisyon ay nagmumula sa nakatataas na kinauukulan.
b. pinangunahan ng mga mamamayan ang pagtukoy, pag-aanalisa sa mga maaaring maging epekto ng bagyong paparating.
c. lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan ay nabibigyang pansin
d. nagtulong-tulong ang mga tao sa isang lugar upang linisin ang mga kanal bilang paghahanda sa paparating na bagyo. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.