Questions


November 2021 1 12 Report
1. Ito ay tumutukoy sa damdaming makabayan na maipakikita sa matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan.
A. Katapatan B. Nasyonalismo C. Patriotismo D. Pagkamamamayan
3
2. Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t-ibang anyo tulad ng defensive
nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo at ang aggressive nationalism o
mapusok na nasyonalismo. Alin sa mga sumusunod ay halimbawa ng defensive
nationalism?
A. Ang minsang ginawang pananakop ng bansang Hapon.
B. Ang naging tugon ng Pilipinas sa panahon ng mga pananakop.
C. Pagsali ng mga makapangyarihang bansa sa League of Nations.
D. Pagpirma sa mga kasunduan na naglalaman ng mga probisyong
makabansa.
3. Ano ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo na makikita sa
pagtutulungan at pagkakabuklod-buklod ng mamamayan sa iisang kultura,
saloobin at hangarin?
A. Pagkakaisa at pagbubuklod-buklod.
B. Pagiging makatuwiran at makatarungan.
C. Pagtangkilik sa sariling produkto at kultura.
D. Kahandaang mamatay para sa kapakanan ng bayan.
4. Alin sa mga sumusnod ang maituturing na pinakamahalagang manipestasyon
ng nasyonalismo?
A. Ang kahandaan ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa bayan.
B. Pagtangkilik sa sariling produkto at kultura.
C. Pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod.
D. Pagiging mabuting mamamayan.
5. Ano ang tawag sa pangyayari sa India kung saan may namatay na 379 katao
at mayroong halos 1,200 katao ang nasugatan sa isang selebrasyon dahil sa
pamamaril ng mga sundalong Ingles?
A. Rebelyong Sepoy C. Amritsar Massacre
B. Pagkamatay ni Gandhi D. Labanan ng Hindu at Muslim
6. Paano ipinakita ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi ang kanilang
pagtutol sa mga Ingles?
A. Pakikipagdigma at pagsalungat. C. Pagsagawa ng mga rally sa lansangan.
B. Paggamit ng passive resistance. D. Nakipag-alyansa sa mga Kanluranin.
7. Sa panahon ng pananakop ng mga Ingles, anong pagbabagong isinagawa nila
ang hindi matanggap ng mga Indian?
A. Sistema ng edukasyon at kalakalan.
B. Pagkakaroon ng racial discrimination.
C. Pagpapaayos ng transportasyon at komunikasyon.
D. Hindi pagkilala sa mga Partido Politikal ng mga Indian.
8. Kung pinamunuan ni Jawaharlal Nehru ang India nang mabigyan ito ng
kalayaan noong Agosto 15, 1947, sino naman ang naging pinuno ng Pakistan
ng ang nasabing bansa ay naisilang at nabigyan din ng kalayaan?
A. Mohammed Ali Jinnah C. Mohandas Gandhi
B. Jawaharlal Jinnah D. Mohammed Gandhi
4
9. Sa pamamagitan ng anong kasunduan naisilang ang Republika ng Turkey?
A. Lausanne C. Liesanne C. Luissane D. Luossiana
10. Ano ang naging resulta pagkatapos maideklara ang Republika ng Israel noong
Mayo 14, 1948?
A. Nahinto ang pagbabalik ng iba pang mga Jew sa kanilang homeland.
B. Nagpatuloy ang pagbabalik ng mga Jews sa kanilang bansa.
C. Naging simula ito ng Digmaang Pandaigdig.
D. Nagsimula na ang tension sa Palestine.
11. Ano ang tawag sa pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t-ibang panig
ng daigdig?
A. Bakasyon B. Migrasyon C. Misyonero D. Zionismo
12. Anong bansa ang nagkamit ng kalayaan noong 1759 at naging unang lumaya
na bansa sa Kanlurang Asya?
A. Kuwait B. Lebanon C. Saudi Arabia D. Turkey
13. Sa sistemang ito, ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya
at isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang
bansang Europeo katulad ng nangyari sa bansang Lebanon.
A. Protectorate B. Mandato C. Kolonyalismo D. Imperyalismo
14. Ang nasyonalismo ay ang pag-usbong ng damdaming
makabayan.Naging daan ito para ang mga Asyano ay matutong______.
A. makibagay sa mga mananakop.
B. maghanda laban sa mga panganib.
C. maging mapagmahal sa kanyang kapwa.
D. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong Kanluranin.
15. Nahati ang India sa dalawang estado (Kalakhang India at Pakistan) nang
magkamit ito ng kalayaan mula sa Great Britain noong 1947. Ano ang naging
epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
A. Maraming mamamayan ang piniling manirahan nalang sa ibang bansa.
B. Nagpaligsahan ang dalawang estado sa kanilang paraan ng pamumuno.
C. Nahati ang simpatiya ng mga mamamayan sa dalawang estado.
D. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang estado.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.