1. Ito ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa England noong ika-18 siglo kung saan ang pagkakakilanlan ng isang tao ay kaniyang idinikit o ibinabahagi sa kaniyang nasyon o lugar na pinagmulan o kinabibilangan. Ano ito? *
A. Rehiyonalismo
B. Nasyonalismo
C. Liberalismo
D. Konserbatismo
2. Ang sumusunod ay epekto ng Cadiz Constitution sa pamamahala ng Espanyol sa Pilipinas maliban sa isa. Ano ito? *
A. Ipinatigil ang kalakalang galyon.
B. Napalitan ang merkantilismo ng malayang kalakalan.
C. Paglaganap ng mga bagong kamalayang bunga ng Enlightenment.
D. Hindi na natuloy ang balak na pag-aalsa ng mga taga-Ilocos
3. Alin sa sumusunod na paniniwala ng mga Europeo ang dahilan kung bakit nagkaroon ng merkantilismo? *
A. Dami ng kolonya ang tunay na kayamanan ng bansa.
B. Kabataan ang tunay na kayamanan ng bansa.
C. Ginto at pilak ang tunay na kayamanan ng bansa
D. Edukasyon ang tunay na kayamanan ng bansa.
4. Kung naipatupad Cadiz Constitution sa Pilipinas, ito ay nangangahulugang kailangang ipatigil ang ilang mahigpit na patakarang pang-ekonomiya ng Spain sa Pilipinas tulad ng ______. *
A. Sapilitang paggawa
B. Pagbabayad ng buwis
C. A at B ang tamang sagot
D. Wala sa nabanggit
5. Pinukaw ng mga kaisipang ito ang kamalayan ng mga Filipino tungkol sa kanilang mga karapatang dapat tinatamasa sa buhay. Ano ito? *
A. Kalakalang Galyon at Merkantilismo
B. La Ilustracion at Cadiz Constitution
C. Nasyonalismo at Konserbatismo
D. Wala sa nabanggit

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.