1. Itinatag ng mga Espanyol ang __________ sa Cordillera upang pasunurin ang mga Igorot sa patakarang monopolyo sa tabako.
A. alcalde
B. parokya
C. comandancia
D. kolonyalismo
2. Ginamit ng mga Espanyol ang kanilang puwersa at lakas sa pananalakay at nilalabanan naman ito ng mga Muslim. Ano ang tawag sa labanang ito?
A. Digmaang Moro
B. Labanan sa Maynila
C. Unang Sigaw ng Cavite
D. Labanan sa Cagayan
3. Ang isang banal na digmaan na inilunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at paraan ng pamumuhay ay tinawag na _________.
A. Sharia
B. Hadith
C. Sahaba
D. Jihad
4. Anong katangian ang ipinakita ng mga Pilipino noong hinarang ng mga kasamahan ni Maniago ang daanan ng mga pagkain para sa mga Espanyol upang sila ay magutom at mapilitang ibigay ang kanilang mga hinihiling?
A. katapangan
B. pagkakaisa
C. katalinuhan
D. katapatan
5. Anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakita noong lumaban ang mga katutubo kahit mahina ang kanilang armas?
A. katapangan
B. pagkakaisa
C. katalinuhan
D. katapatan
6. Siya ang nagpadala ng misyon sa Ilocos na pinamunuan ng kaniyang apo na si Juan de Salcedo upang siyasatin ang mga gintong ibinebenta dito ng mga Igorot.
A. Legazpi
B. Basco
C. Salcedo
D. Guido de Lavezares
7. Naging mahirap para sa mga sundalong Espanyol na talunin ang mga mandirigmang ________ sa bulubundukin ng Cordillera sapagkat hindi nila kabisado ang pasikot-sikot dito.
A. Igorot
B. Mangyan
C. Ibanag
D. Ilocano
8. Ang mga sumusunod ay naging dahilan ng pagkabigo ng mga Espanyol na sakupin ang mga Igorot sa Cordillera maliban sa isa.
A. pagsagawa ng rebelyon,
B. pagsuway ng mga Igorot sa mga patakaran
C. paglaban sa pamamagitan ng pangangayaw
D. paggamit ng mga makabagong mga armas
9. Ito ay dula tungkol sa pagpapasakit ni Hesukristo sa krus.
A. duplo
B. moro-moro
C. saynete
D. senakulo
10. Ang tulang ito ay inaawit patungkol sa buhay at pagpapasakit ni Kristo.
A. moro-moro
B. pasyon
C. prusisyon
D. duplo
11. Ito ay pag-awit ng kundiman sa tapat ng bahay ng dalagang nililigawan.
A. prusisyon
B. paghaharana
c. panliligaw
D. awiting-bayan
12. Isa sa mga naging impluwensiya ng mga Espanyol ay ang pagtatag ng pamahalaang sentralisado na pinamunuan ng isang _______________.
A. alcalde
B. gobernador-heneral
c. gobernadorcillo
D. corregidores
13. Nagpatayo ang mga Espanyol ng mga paaralang pamparokya na pinamahalaan ng mga _______ kung saan ang pagtuturo ng relihiyon ang sentro ng pag-aaral.
A. kura-paroko
B. militar
C. opisyal
D. madre
14. Alin sa sumusunod ang HINDI layunin ng mga Espanyol sa pagnanais na sakupin ang mga Igorot sa Cordillera?
A. Upang hanapin ang ginto sa Cordillera at makibanabang dito
B. Upang baguhin ang kanilang paniniwala at gawin silang kristiyano
C. Upang makapagpatayo ng mga paaralan sa lugar at hikayating makapag-aral
D. Upang mabantayan ang mga Igorot at mapasunod sa pagpapatupad ng monopolyo ng tabako
15. Ano ang naging resulta ng pagtutol ng mga Igorot sa pagpapabinyag sa Kristiyanismo?
A. Sinulsulan ang mga katutubo ng mga ginto.
B. Ipinasunog ang mga bahay at puwersahang sinupil ang mga katutubo.
C. Pinagtiyagaang hikayatin sa pamamagitan nga pagbigay ng hanapbuhay.
D. Ipinababa sa bayan at ikinulong hanggang sila ay mapilitang magpabinyag.
16. Siya ang namuno sa pag-aalsa laban sa kalupitan ng mga Espanyol sa Lingayen, Pangasinan noong Disyembre 15, 1660.
A. Gabriel Tayag
B. Francisco Maniago
C. Andres Malong
D. Juan Gayo
17. Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at makamit muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino noong unang bahagi ng 1587.
A. Lakan Dula
B. Magat Salamat
C. Felipe Catabay
D. Gabriel Tayag
18. Natigil ang paghihimagsik nga mga Gaddang sa Cagayan Valley na pinamunuan nina Felipe Catabay at Gabriel Tayag dahil sa pakikiusap ng isang Dominikong Pari na si _____________.
A. Pedro de Santo Tomas
B. Juan de Salcedo
C. Miguel Basco
D. Felipe de los Santos
19. Sino ang namuno sa rebelyon ng mga Kapampangan na kung saan hinarangan nila ang mga ilog para mapigilan ang pagdadala ng mga pagkain patungong Maynila upang magutom ang mga Espanyol?
A. Francisco Maniago
B. Dionisio Fernadez
C. Lakan Dula
D. Sulayman
20. Siya ang naging kapalit ni Legazpi bilang Gobernador Heneral na hindi naibigan ng mga katutubo dahil bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi.
A. Francisco de Sande
B. Guido de Lavezares
C. Gonzalo Ronquillo de Peñalosa
D. Diego Ronquillo
Answers & Comments
Answer:
1.a
2.c
3.b
4.c
5.d
6.c
7.c
8.a
9.c
10.c
Explanation:
yan lng po sory