Questions


October 2022 1 0 Report
1. Isa sa mga pangunahing suliraning kinaharap ni Elpidio Quirino ay ang banta ng mga________.

A. Komunismo
B. Gerilya
C. Makapili
D. Terorismo

2. Pangulo ng Amerika na nagpahayag ng kasarinlan ng Pilipinas.

A Franklin D. Roosevelt
B. Harry S. Truman
C. Ronald Reagan
D. Donald Trump

3. Ang kauna-unahang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.

A. Manuel Quezon
B. Sergio Osmeña
C. Manuel Roxas
D. Jose P. Laurel

4. Sinong pangulo ng bansa mula 1946-1957 ay may suliraning pangkabuhayang
kinaharap sa lupain at agrikultura?

A. Manuel A. Roxas
B. Elpidio Quirino
C. Ramon Magsaysay
D. Jose P. Laurel

5. Kilala si Ramon Magsaysay sa mga sumusunod na katangian maliban sa isa,
alin ito?

A. kauna-unahang pangulo na nagsuot ng barong Tagalog sa kanyang inagurasyon
B. Nagbukas ng Malakanyang para sa mga karaniwang tao
C. Malapit sa mga ordinaryong mamamayan at nakikisalamuha sa mga tao.
D. Nagpakita ng nepotismo sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga kamag-anak sa pamahalaan

6. Kasunduang nilagdaan ni Pangulong Roxas na kung saan nagbigay ng tulong
ang Amerika na $120 milyon para sa imprastraktura, $100 milyong halaga ng
mga lumang kagamitang pangmilitar, at $400 milyon para sa iskolarsyip ng mga
Pilipinong ipadala sa Estados Unidos.

A Philippine Rahabilitation Act o pagbabagong-tatag
B. Bell Trade Act
C. Parity Rights
D. Military Base Agreement

7. Naganap noong Hulyo 4, 1946.

A. Ipinahayag ng Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas.
B. Ipinahayag ang kalayaan ng Amerika
C. Naganap ang huling halalan sa ilalim ng Komonwelt.
D. Ipinahayag ni McArthur ang pagtatatag muli ng Pamahalaang
Komonwelt sa Tacloban.

8. Ito ay itinakda ng Bell Trade Act na nagkaloob sa mga Amerikano na magkaroon ng pantay na karapatan gaya ng tinatamasa ng mga Pilipino ang mga Amerikano na magnegosyo sa bansa.

A. Phillippine Rahabilitation Act
B. Colonial Mentality
C. Parity Right s
D. Military Base Agreement

9. Ito ay bunga ng pananatili ng malawak na impluwensiya ng mga Amerikano sa buhay ng mga Pilipino na mas ginusto nilang tangkilikin ang mga gawang imported o stateside kaysa sa mga gawang local.

A. Necolonialism
B. Colonial Mentality
C. Parity Right
D. Colonial

10. Ang panhunahing suliraning kinaharap ni Manuel A. Roxas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

A. Kalakalan
B. Makapili
C. Pagbabagong-tatag o Rehabilitasyon.
D. Pamamayani ng dayuhan sa kalakalan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.