Questions


September 2022 1 0 Report
1. Binubuo ang lipunan ng pangkat ng mga tao na may kaisahan sa layunin, adhikain at simulain. Isa ang Ekonomiks sa mga disipinang nagsusuri sa kalikasan at galaw ng lipunan. Alin sa mga sumusunod ang akmang paliwanag hinggil sa pagiging agham panlipunan ng Ekonomiks?

a. Ito ay nakapokus sa pag-aaral ng pamilya bilang batayan ng agham at lipunan.
b. Ito ay ang agham na nakatuon sa pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa tao.
c. Ito ay pagbubuo ng mga kasaysayan at tradisyon upang maunawaan ang pangangailangan ng tao.
d. Ito ay gumagamit ng mga siyentipikong pamamaraan upang pag-aralan ang kilos at pagsisikap ng tao sa paggamit ng mga limitadong yaman upang tugunan ang tila walang katapusang pangangailangan.

2. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon? 

a. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mitihin, at tradisyon
b. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
d. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon

3. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang matutunan ang ekonomiks?

a. Ito ay makatutulong sa mabuting pamamahala.
b. Ito ay makatutulong sa tamang pagdedesisyon.
c. Ito ay makatutulong sa wasto at tamang pagbabadyet ng pera.
d. Ito ay makatutulong sa paghubog sa pang-unawa, ugali at gawi sa pagdedesisyon.

4. Sa Batas ng Suplay , ang kurba sa pagitan ng presyo at produkto ay pataas na kung ang presyo ng produkto ay mataas handang mag supply ng mas maraming produkto ang isang prodyuser at kapag ang presyo ng produkto ay bumaba , ang supply ng produkto ay bababa rin. Ano ang relasyon ng presyo at suply batay sa batas ng Suplay ?

A. Ang relasyon ng presyo at supply ay Tuwiran
B. Ang relasyon ng presyo at supply ay Di-Tuwiran
C. May ekwilibriyo sa pagitan ng presyo at supply
D. Walang ekwilibriyo sa pagitang presyo at supply

5. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari,gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamababang presyo ng mga produkto o serbisyo ?

A. price ceiling
B. price floor
C. price control
D. price support

6. Isang kalagayan sa ekonomiya na kung saan ay nagkasundo ang konsyumer at prodyuser na walang sinuman ang nagnanais gumalaw o kumilos dahil lahat ng gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa presyong nakatakda ay gusto at kayang ibenta ng prodyuser

A. Ganap na kompetisyon
B. Ekwilibriyo
C. Disekwilibriyo
D. Elastisidad

7. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakakatulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?

A. sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser
B. napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
C. nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser
D. hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay? 

A. Ang produksyon ay nakapagbibigay ng trabaho.
B. Tinutugunan ng produksyon ang ating pangangailangan.
C. Ang produksyon ang dahilan ng pagkaubos ng ating pinagkukunangyaman.
D. Kapag napag-ugnay-ugnay ang lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship, ito ay makapagbibigay ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa pangangailangan natin sa araw-araw

9. Estruktura ng pamilihan na kung saan ang sinumang negosyante ay malayang pumasok at maging bahagi ng industriya. Ito ang itinuturing na huwaran at pamantayan ng mga istruktura. Anong istruktura ng Pamilihang ito? 

A. Pamilihang may ganap na Kompetisyon
B. Monopolistikong Kompetisyon
C. Monopolyo
D. Oligopolyo

10. Taun-taon, tumataas ang sahod ni Ethan na manager ng isang fastfood branch sa Alabang Muntinlupa City. Madalas siyang bumibili ng magagarang damit, alahas at appliances tuwing araw ng sahod. Ano ang naging pahayag ni John Maynard Keynes sa obserbasyong ito? 

a. Naaayon sa kanyang kakayanang kumita taun-taon ang pagtaas ng pagkonsumo ng tao.
b. Habang patuloy na lumalaki ang kanyang kita, dumarami ang inaasam ng tao na bibilhin.
c. Higit nang binibigyang pansin ng tao ang paggasta para sa luho habang lumalaki ang kanyang kita.
d. Inuunang tugunan ng tao ang kanyang pangunahing pangangailangan sa bawat pagtaas ng kanyang kita.

Nonsense = Report
ANSWER PROPERLY​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.