Questions


October 2022 1 4 Report
1. Bakit nagkaroon ng kasunduang Tordesillas?
1 point
a. Upang umusbong ang labanan ng Portugal at España
b. Upang mapalala ang alitan at iringan ng Portugal at España
c. Upang magwakas ang hindi pagkakasundo ng imperyong Portugal at España
2. Ano ang dahilan ng pakikipagsandugo ni Magellan kay Rajah Kolambu?
1 point
a. Nagpapahiwatig ng namumuong alitan
b. Ito ay tanda ng pagsisimula ng labanan
c. Nagpapatunay ng pagkakaibigan
3. Ano ang ginagawa ng mga Español upang ipahiwatig ang pag-angkin nila sa mga nasasakupang lugar?
1 point
a. Pinasasara nila ang mga nasakop na lugar
b. Nagtitirik ang mga ito ng malaking krus
c. Pinapalayas nila ang mga tao sa mga lugar na iyon
4. Bakit sinalakay ni Magellan ang barangay na nasasakupan ni Lapulapu?
1 point
a. Dahil tinanggap nito ang bagong sistema ng pamamahala
b. Sapagkat taliwas ito sa bagong sistema at tumangging magbayad ng buwis sa Hari ng España
c. Dahil kinilala nito ang kapangyarihan ng España
5. Bakit hindi nagtagumpay ang Ekspedisyon ni Cabot?
1 point
a. Dahil nasawi ang pinunong si Cabot
b. Dahil tumaob ang sinasakyan nilang barko
c. Dahil nag-alsa ang mga tripulante
6. Alin ang hindi layunin ng Ekspedisyon ni Legazpi?
1 point
a. Upang magtatag ng kolonya sa Pilipinas
b. Upang tumuklas ng daan patungo sa España nang hindi madaraanan ang mga sakop ng Portugal
c. Upang pagtibayin ang kanya-kanyang paniniwala ng mga katutubo
7. Bakit hindi naging maganda ang pakikitungo ng mga katutubo kina Legazpi?
1 point
a. Dahil inakala ng mga katutubo na sila ay mga Portuguese
b. Dahil ayaw nilang makipag-usap sa mga dayuhan
c. Dahil wala silang oras upang makihalubilo sa ibang tao
8. Ano ang naging epekto ng pangunguna ng España at Portugal sa panggagalugad?
1 point
a. Naging mahigpit na magkaribal ang mga ito sa paghahanap ng lupain na kanilang aangkinin
b. Naging magkakampi ang mga ito sa paghahanap ng lupain sa Asia na kanilang sasakupin
c. Nahinto ang panggagalugad ng mga imperyo
9. Alin sa mga pahayag ang HINDI totoo?
1 point
a. Natuklasan ng mga Europeo ang mga lugar na hindi pa nila nararating mula sa pakikinig ng balita
b. Ang bahagi ng daigdig na hindi pa nararating ng mga Europeo ay tinawag nilang Kanluran
c. Ang Panahon ng Panggagalugad ay ang panahong masusing naghanap ang mga Europeo ng daan patungo sa lugar na hindi pa nila nararating
10. Bakit nagkaroon pa ng ibang mga ekspedisyon matapos makabalk ang barkong Victoria sa España?
1 point
a. Upang ipahamak ni Haring Carlos ang mga Español
b. Dahil natuwa si Haring Carlos nang makabalik ang barkong Victoria
c. Upang masakop pa ng España ang ibang lugar

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.