1. bakit kahalagang magkaroonng karapatan ang kabataan
2. bakit mahalagang magkaroon ng tungkulin ang kabataan
3. bilang isang bata may mga karapatan ka bang hindi natatamasa ano-ano ang mga ito at bakit
4. anong tungkulin ang sa iyong palagay ay higit na nakakatulong para sa pag-unlad ng bansa bakit
5. sapat ba ang mga karapatang ipinagkaloob ng pamahalaan sa isang batang katulad mo ipaliwanag
brainliest answer if correct
Answers & Comments
Answer: MARK THIS AS THE BRAINLIEST!
1. Mahalagang magkaroon ng karapatan ang mga kabataan upang makapamuhay ng may laya at maprotektahan laban sa mga mapang-abuso. Ang pagkakaroon ng karapatan ay dapat na naibibigay sa bawat tao kung kaya't kabilang dito ang pagbibigay din ng karapatan para sa mga kabataan.
2. Ang pagkakaroon ng tungkulin na inaaatang para sa mga kabataan ay mahalaga sapagkat nababalanse nito ang karapatan na mayroon sila. Katumbas ng pagkakaroon ng mga karapatan ang pagkakaroon ng tungkulin na dapat gampanan ng bawat tao. Ang mga tungkuling ito ang magsisilbing palatandaan na mayroong mga responsibilidad na dapat gampanan sa kinabibilangang lipunan.
3. Bilang bata, lahat ng karapatan ay aking natatamasa magmula sa pagkakapanganak sa akin, sa nutrisyon na dapat ay aking natatanggap, ang kalayaan na makipaglaro at makihalubilo sa iba hanggang sa karapatan kong makapag-aral at maabot ang aking mga pangarap.
4. Ang tungkuling nakatutulong sa pagpapaunlad ng bansa ay ang pagsunod sa batas ng ating bansa dahil natutulungan natin ang iba na gayahin nila tayo at sumunod sa pamantayan ng ating gobyerno.
5. Para sa akin, sapat ito dahil ang mga karapatang ito ang nagsisilbing proteksyon at kaagapay ko sa aking buhay. Ang mga karapatang bigay ng ating pamahalaan ay naglalayong makapamuhay ako ng matiwasay, malayo sa pang-aabuso at nagbibigay kapangyarihan sa aking sabihin ang mga opinyon at saloobin at higit sa lahat, ang kalayaan na aking inaasam.
Answer:
1.upang di mang abuso at gumanda ang buhay ng mga kabataan.
2.para gumanda ang bansa at maging payapa ang bansa dahil ang kabataan ang magliligtas sa bansa
3.-
4.wag mag tapon kung saan saan at maglinis ng kapaligiran at mag tanim naren
5.opo, dahil lumaki ako ng matino at may galang sa pamahalaan