Questions


September 2022 1 3 Report
1. Ayon sa alamat may dalawang nilalang na nagmula sa isang malaking
kawayan na tinaguriang unang tao sa Pilipinas. Sila ay sina
_________________.
A. Si Adan at Si Eba C. Si Pepe at Si Pilar
B. Si Malakas at Si Maganda D. Si Jose at Si Maria
2. Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog
Tsina at Taiwan. Kanino nagmula ang teoryang ito?
A. Henry Otley Beyer C. Felipe Landa Jocano
B. Peter Bellwood D. Wilhelm Solheim
3. Ang mito ay bahagi ng panitikan na nagpa salin-salin sa tao. Ayon sa mito,
noong unang panahon ay wala pang tinatawag na Pilipinas at mayroon lamang
na maliliit na mga pulo. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng
pagkakalikha ng bansang Pilipinas ayon sa mito?
A. Ang malalaking tipak na bato ay nagbungguan, nagkahiwa-hiwalay
ng bilyong taon.
B. Ang Diyos ang lumikha ng mundo na naging tirahan ng mga tao
C. Sina Lus, Bisaya at Minda ay mga higante na tinangay ng alon
at di na nakaahon pa sa karagatan
D. Ang mga hayop, halaman at mga bato ay magkakatulad na likha ng Diyos.
4.Ano ang paliwanag na ibinigay ni Alfred Wegener tungkol sa teoryang plate
tectonic?
A. Ang mundo ay nilikha ng mga diwata ayon sa nais nilang hugis at anyo.
B. Ang mundo ay isang malaking tipak ng lupa na unti unting lumubog ang
ilang parte dahil sa pagkatunaw ng yelo.
C. Ang mundo ay nabuo dahil sa pagputok ng bulkan at ang mga ibinuga
nitong mga magma, bato at buhangin ay nagkapatong patong sa paglipas
ng bilyong taon na bumuo ng mga kontinente
D. Ang lahat ng uri ng hayop, halaman, tao at lahat ng nakikita natin sa
kasalukuyang panahon ay nilikha ng Diyos.
5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa pinagmulan ng
ating bansa?
A. Mailalarawan ang ibang karatig bansa
B. Mauunawaan ang pinagmulan ng Pilipinas
C. Maipakikilala ang kultura ng mga bansang sumakop sa atin
D. Maikukumpara ang Pilipinas sa mas maunlad na bansa

6. Ito ang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa mga bagay sa kalikasan
tulad ng araw, bundok, at ilog ay tirahan ng kanilang yumaong mga ninuno.
A. animismo B.babaylan C. espiritismo D.katalonan
7. Maliban sa tungkuling pampolitikal at pansibil ng sultan, kailangan din
niyang pangalagaan ang pananampalatayang Islam at mapanatili ang
kaugaliang Muslim sa kanyang nasasakupan. Sino ang nagsisilbing tagapayo ng
sultan pag tungkol sa relihiyong Islam?
A. kali B.raja muda C.ruma bichara D. wazir
8. Bibliya ang itinuturing na Banal na Aklat ng mga Kristiyano. Ano naman ang
para sa mga Muslim?
A. Hajji B. Koran C. Sawn D. Zakat
9. Sa Sulu nagsimulang lumaganap ang Islam patungong Maguindanao at
Lanao .Sino ang nagpalaganap ng Islam sa mga lugar na ito?
A. Abu Bakr C. Sharif Kabungsuan
B. Raja Baginda D. Tuan Masha’ika
10. Noon pa man ay nakikipag barter na ang mga Pilipino sa mga dayuhang
Tsino. Ano ang ibig sabihin ng barter?
A.pakikipagpalitan ng produkto C. pamimigay ng produkto
B.pagpapautang ng produkto D. pagpapahiram ng mga produkto

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.