Questions


March 2021 1 39 Report
_____1. Anong tawag sa isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod
ng mga pangkat ng tao at naglalayong magtatag ng kaayusan at
magpanatili ng isang sibilisadong lipunan?
A. bansa
B. barangay
C. pamahalaan
D. soberanya
_____ 2. Anong uri ng pamahalaan ng Pilipinas kung saan ang nanunungkulan ay
isang pangulo at ang ganap na kapangyarihan ay nasa sambayanan at
nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan?
A. presidensiyal at demokratiko
B. parliamentarya at demokratiko
C. paristokrasya at diktaturyal
D. diktaturyal at parliamentarya
_____ 3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may wastong paglalarawan sa
pambansang pamahalaan ng Pilipinas?
A. Itinatag ang pamahalaan upang pangalagaan ang kapakanan lamang
ng mga pinuno ng bansa.
B. Pinangangalagaan nito ang kabuhayan ng mga mayayamang Pilipino.
C. Tinitiyak na ligtas sa anomang kapahamakan ang bawat mamamaya
D. Hindi nakikialam ang pambansang pamahalaan sa mga programa ng
iba’t ibang kagawaran tulad ng DepEd at DoH.
______ 4. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na katangian ng
pambansang pamahalaan ng Pilipinas?
A. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay pinamumunuan ng isang pangulo.
B. Inihalal ng mamamayan ang mga pinunong nanunungkulan sa
bansa.
C. Ang pangalawang pangulo ang punong tagapagpatupad ng batas.
D. Ang pambansang pamahalaan ay itinataguyod ng mga mamamayan.
______ 5. Bakit mahalaga ang pamahalaan sa isang bansang katulad ng Pilipinas?
A. Pinababayaan ng pamahalaan ang pakikipag-ugnayan ng mga
mamamayan sa ibang bansa.
B. Pinangangalagaan ng pamahalaan ang kapakanang panlipunan at
pangkabuhayan ng bawat pinuno.
C. Tinitiyak ng pamahalaan na ligtas ang mga mamamayan sa lahat ng
uri ng panloob at panlabas na panganib.
D. Kontrolado ng pamahalaan ang mga karapatan at pribilehiyo ng mga
mamamayan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.