Dalawang Panig ng Daigdig Sinasabing nahahati ang daigdig sa dalawang panig. Sa hilaga, matatagpan ang mayayamang bansa; sa timog naman, ang mahihirap. Kabilang sa mga bansa sa hilagang panig ng daigdig ang US, Europe, Japan, at South Korea. Pinaninirahan ang hilagang panig ng daigdig ng 25% ng kabuoang populasyon ng daigdig. Ang maliit na bahagdang ito ng mga mamamayan ang nagtataglay ng 80% ng kita sa daigdig at nakararanas ng kariwasaan at kaunlaran. Isang batayan sa kaunlaran ng bansa ang GDP per capita.. Pandaigdigang Populasyon Ayon sa United Nations Populations Fund (UNFPA), lumobo ang populasyon ng daigdig: 1950 -mula 2.5 bilyon noon ay tumaas sa anim na bilyon matapos lamang ng 50 taon. 2050 -inaasahan ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa 9.3 bilyon. 2100 -sa taong ito inaasahan din na tataas ang populasyon sa 15 bilyon. Sa loob ng mga taong ito, kinakitaan din ng pagbabago ang populasyon ng daigdig. Mula dekada 1950 hanggang mga taong 2000: • Tumaas ang life expectancy mula 48 sa 68 taon; • Bumaba ang fertility rate, mula anim na anak bawat babae sa 2.5;at • Bumaba ang infant mortality rate, mula 133 na namamatay na sanggol sa bawat 1000 kapanganakan sa 46 na namamatay na sanggol sa 1000 kapanganakan.
Paglobo ng Populasyon Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay maaaring maging sabagal sa pag-unld ng bansa. Ito ay sapagkat sa paglaki ng populasyon ay dumarami rin ang bilang ng tao na kinakailangang suportahan ng pamahalaan. Maaaring benepisyal ang malaking populasyon sapagkat ito ang mapagkukunan ng lakas- paggawa sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Answers & Comments
Answer:
MGA ISYU at SULIRANING PANDAIGDIG