1. Ano ang tawag sa salitang sumasaklaw sa kaugalian at tradisyon ng sangkatauhan, kabilang na ang mga kaalaman, paniniwala, sining, batas, nakagisnan, kakayahan at nakasanayang gawain ng bawat isa? A. kultura B. ekonomiya C. sibika D. teknolohiya 2. Alin sa mga sumusunod angkop na paglalarawan tungkol sa nomads? A. palipat-lipat sila ng tirahan B. maraming alam sa heograpiya ng isang lugar C. nakadepende sila sa lugar na maraming pagkain D. lahat ng nabanggit 3. Bakit hindi nagkakabuklod-buklod ang mga lugar sa iisang bansa o kontinente? A. dahil sa maraming galit sa isa't-isa B. dahil maraming utang sa ibang bansa C. dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon D. dahil sa kanilang kultura lalong lalo na sa lenggwahe, paniniwala at sariling pananaw 4. Analohiya Monogamy: pag-aasawa ng lalaki sa iisang babae ; Polygamy: A. pag-aasawa ng lalaki sa kapatid ng babae C. pag-aasawa ng lalaki sa maraming babae B. pag-aasawa ng babae sa kapatid ng lalaki D. pagpapatiwakal ng babae kapag yumaon ang asawang lalaki 5. Bilang isang responsableng mag-aaral, paano isasabuhay ang kulturang nakagisnan? A. Pagsunod sa mga magulang. B. Pakikinig sa mga kantang pandarayuhan. C. Panonood ng mga teleserye o dramas ng ibang bansa. D. Sikaping tangkilikin ang mga kagawian, mga paniniwala at mga katutubong adhikain sa ating lugar. 6. Anong bansa sa Timog Asya ang nagsasagawa ng polyandry na kung saan isang babae ay maaaring maging asawa ng magkapatid na lalaki? A. India B. Maldives C. Nepal D. Sri Lanka 7. Ang kultura ay napakahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao. Anong mensahe ang nais ipaabot ng pahayag? A. Dapat pahalagahan ang kultura ng bansa. B. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan. C. Ibahagi at isabuhay ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa D. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ituring itong mahalagang pundasyon o haligi ng bansa.
Answers & Comments
Answer:
Kultura
Ang kultura ay isang pangkalahatang terminolohiya na sumasaklaw sa kaugalian at tradisyon ng sangkatauhan, kabilang na ang mga kaalaman, paniniwala, sining, batas, nakagisnan, kakayahan, at nakasanayang gawain ng bawat isa.
Explanation:
Explanation:
Sa paglipas ng panahon, nagbabago ang kultura ng mga tao. Kung ang isang bansa ay nasakop ng ibang lahi, malaki ang tyansa na mabago ang kanilang kultura, o hindi naman kaya ay magsanib ang dalawang magka-ibang kulturang ito upang bumuo ng panibago.
Nahahati sa dalawang uri ang kultura:
Kulturang Materyal o Tangible – kabilang na ang mga gusali, aklat, at mga larawan
Kulturang Di Materyal o Intangible – kabilang na ang mga awitin, mga tula, sayaw, at recipe ng pagkain