Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang syudad sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.
Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsiyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.
Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahayag ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak na katiwalian at pang-aabuso ng mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawaii lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa politika at humina ang ekonomiya ng bansa.
Answers & Comments

Answer:
Si Muztafa Kemal Ataturk ay opisyal ng hukbong rebolusyonaryo
militar noong Unang Digmaang Pandaigdig kung kailan tuluyang
bumagsak ang Imperyong Ottoman dahil sa pagkakahati-hati ng mga
teritoryo mula sa mandatong inilabas ng Liga ng mga Bansa. Siya ang
naging kauna-unahang pangulo ng Turkey. Pinamunuan niya ang
Pambansang Kilusan ng mga Turko para makamit ang Kalayaan ng Turkey
bilang isang bansa. Itinuring siyang tagapagtatag ng Republika ng Turkey.
Ang pangalang Ataturk ay nangangahulugang “Ama ng mga Turko”.
Si Khomeini ay isang Iranian. Naging isang iskolar ng mga batas ng
Islam, isang rebolusyunaryo at pulitiko na naging tagapagtatag ng
“Republika ng Islam” sa Iran. Siya ay namuno sa Rebolusyong Iranian
noong 1979. Matapos ang rebolusyon, si Khomeini ay naging Supreme
Leader
ng Iran.
Si Abdul Aziz o Ibn Saud ang namuno sa kaharian para sa
kampanyang militar at pulitika na ang layunin ay pag-isahin ang mga
katabing teritoryo. Bilang isang nasyon o malawak na kaharian, siya ay
tinuring na tagapagtatag ng Saudi Arabia. Noong 1938, pinangunahan niya
ang pagtuklas ng petrolyo sa kaniyang kaharian. Pinayagan ni Ibn Saud ang
United States na magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia at
pinasimulan ang pagmimina ng langis. Matapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, mabilis ang pagtaas ng produksiyon ng langis at pondo ng
pamahalaan. Subalit hindi maganda ang naidulot nito sa kanya at sa bansa
sapagkat hindi niya alam kung paano gagamitin ang malaking yaman na
nagmumula sa langis hanggang sa siya ay mamatay noong 1953.
Maraming lider Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang nagpamalas ng pagiging Makabayan
at nagtagumpay na matamo ang Kalayaan ng kani-kanilang mamamayan at bansa.
MUZTAFA KEMAL ATATURK
AYATOLLAH RUHOLLAH MOOSAVI KHOMEINI
IBN SAUD
MGA NASYONALISTA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
Si Mohandas Karamchand Gandhi ay kilala sa tawag na Mahatma
Gandhi ng mga taga-India. Isang Hindu na nag-aral ng pagbabatas sa isang
unibersidad sa England at naghahanapbuhay sa South Africa. Mahalaga ang
papel na ginampanan ni Gandhi para sa kampaya tungo sa Kalayaan.
Naniniwala siya sa ahimsa at satyagraha. Naging inspirasyon siya ng mga
Hindu dahil sa paggamit ng mapayapang paraan o non-violent means.
Ang ahimsa ay nangangahulugang “hindi paggamit ng dahas” o non-violence. Ang ibig sabihin
ng mapayapang paraan ay ang paglalabas at pagsiwalat ng katotohanan (satyagraha), pagdarasal, pag-
aayuno o fasting, at meditasyon. Sinimulan ni Gandhi ang civil disobedience o hindi pagsunod sa
pamahalaan sa pamamagitan ng panghihikayat niyang i-boykot o hindi pagbili ng mga Indian sa lahat
ng produktong Ingles at hindi pagbabayad ng buwis. Dahil sa protestang pinasimulan niya, dinakip siya
ng awtoridad at siya ay ikinulong. Bagamat nasa kulungan patuloy ang mapayapang pakikibaka
hanggang sa makamtan ang kalayaan.
Idineklara ng mga Ingles ang Republika ng India noong Agosto 15, 1947 na pinamumunuan ni
Jawaharlal Nehru, matalik na kaibigan at kapanalig ni Mohandas Gandhi. Kasabay ng paglaya ng India
ang pagiging hiwalay ng Pakistan sa India sa ilalim ng pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah. Hindi
nagtagumpay si Gandhi na pag-isahin ang mga Muslim at Hindu dahil siya ay binaril noong 1948 ni
Nathuram Vinayak Godse-isang panatikong Hindu na tumutol sa hangarin niyang pag-isahin ang mga
Hindu at Muslim. Marami ang nagdalamhati sa pagkamatay ni Gandhi at nahatulan si Godse ng
kamatayan sa pamamagitan ng pagbibigti. Hinangaan at tiningala ng mga Indian si Gandhi at tinawag
siyang Mahatma o great soul.
Tinaguriang “Ama ng Pakistan” dahil siya ang nagtatag ng Pakistan
bilang bansang Muslim sa Timog Asya. Siya ay isang abogado na nagsilbi
bilang pinuno ng All Indian Muslim League mula 1913 hanggang
makamtan ang Kalayaan noong Agosto 14, 1947. Si Ali Jinnah ay naging
kauna-unahang Gobernador-Heneral ng Pakistan mula sa Araw ng
Kalayaan hanggang sa kanyang kamatayan noong Setyembre 11, 1948.
MOHANDAS K. GANDHI
MUHAMMED ALI JINNA
Explanation:
Sana makatulong