Questions


August 2021 1 10 Report
1. Ano ang isa sa mga naging epekto ng batas militar?
A. Pagbabayad sa utang ng bansa
B. Paglabag sa karapatang pantao
C. Pagdami ng mga negosyanteng namumuhunan
D. Pagkakaroon ng batas sa pagpapalaya sa mga rebelde
2. Alin ang nagpatunay sa pagbabalik ng karapatan ng mga mamamayan?
A. Pagbuwag ng Kongreso
B. Pagpapakawala sa mga nakulong
C. Pagkaroon ng iba’t ibang selebrasyon ang mga Pilipino
D. Pagkabuo ng pansamantalang Saligang Batas o Freedom Constitution
3. Bakit naging mahalaga sa mga Pilipino ang Rebolusyong EDSA?
A. Nakatulong ito sa mga sundalo
B. Napaalis nito si Pangulong Marcos bilang pangulo
C. Naging daan ito para sa pag-unlad ng mga produkto ng bansa
D. Naging daan ito para matugunan ang suliranin sa kahirapan sa pamumuhay
4. Bakit mahalaga ang Saligang Batas? Dahil ito ay ______________________.
A. pinagbabatayan ng kulturang Pilipino
B. nagtadhana sa kahalagahan ng mga karapatan ng tao
C. listahan ng mga programang pangkabuhayan ng mga dayuhan
D. nagpahina sa pamamahala ni Corazon C. Aquino bilang pangulo
5. Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa labis na kapangyarihan ni Pangulong
Marcos panahon ng batas militar?
A. Itinatag ang mga unyon.
B. Dumami ang pumanig sa kanyang pamamahala.
C. Tinangkilik siya ng taong- bayan at mga mayayaman.
D. Nagdaos ang taong-bayan ng People Power Revolution.

6. Ano ang nagdulot ng malaking banta sa demokrasya ng Pilipinas?
A. pamimigay ng ayuda
B. pagkakaroon ng patubig
C. pagpapatupad ng batas militar sa bansa
D. pagbabago sa saligang batas ng kalayaan o Freedom Constitution
7. Bakit dumagsa ang maraming tao sa EDSA?
A. Para makakita ng maraming artista
B. Bilang pagtugon sa panawagan ni Jaime Cardinal Sin
C. Pagpapatotoo na milyon na ang dami ng mga Pilipino
D. Pagsuporta sa mga programa ng mga dayuhang mayayaman
8. Sa pagkahalal kay Corazon C. Aquino, muling naibalik ang demokrasya. Alin sa
mga sumusunod ang HINDI nagpapakita sa pangangalaga nito?
A. Pagpapatuloy ng mga rally sa lansangan
B. Pagpapatupad sa mga programa ng pamahalaan
C. Pakipagkasundo ng pamahalaan sa mga rebelde
D. Pagsunod sa mga alituntuning itinakda ng Saligang Batas para sa lahat
9. Paano nakatulong ang media sa tagumpay ng mapayapang rebolusyon? Sa
pamamagitan ng __________________.
A. pagbabantay sa mga lansangan
B. pangunguna sa pagpunta sa EDSA
C. pagpapatigil ng pagbabalita sa mga pangyayari
D. pagpapatuloy sa pagbabalita ng mga makatotohanang pangyayari at
kaganapan

10. Paano nagwakas ang EDSA People Power 1 Revolution?
A. Pagkakaroon ng dagliang halalan o Snap Election
B. Pagkapanalo ni Corazon C. Aquino bilang pangulo
C. Pagtiwalag nina Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos sa pamahalaan
D. Paglisan ng pamilya ni Pangulong Marcos at ilang mga kaibigan patungong
Hawaii

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.