Questions


August 2022 2 10 Report
1. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagkabigo ng mga pag-aalsang Pilipino sa panahon
ng kolonyalismong Espanyol MALIBAN sa isa.
A. Kawalan ng maayos na komunikasyon.
B. Makataong pamamahala ng mga banyaga.
C. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma.
D. Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo.
2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagtutol sa kalabisan ng mga mananakop na
Espanyol?
A. Naging sunud-sunuran sila sa mga pinagagawa ng mga banyaga.
B. Pinagsilbihan ng mga katutubo ang mga prayle at opisyal ng mga Espanyol.
C. Tinanggap ng mga Pilipino ang mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop.
D. Nagkaroon ng malawakang pag-aalsa laban sa mga pamunuang hindi kaaya-aya.
Ang mga Pilipino ay naging positibo sa kanilang pagtugon sa kolonyalismong Espanyol. Ngunit kinalaunan, naging sapilitan ang pagtanggap na ito ng banyagang pamamahala sapagkat naging katakot-takot at naging marahas ang pamamalakad sa panahon ng Kolonyalismong Espanyol. Ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang galit at sama ng loob laban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagkakaroon ng higit na isandaang pag-aaklas sa loob ng higit sa tatlong- daang taon.
IKALIMANG ARAW
11
3. Paano nasupil ni Gobernador-Heneral Sabiniano Manique de Lara ang nag-alsang si
Francisco Maniago ng Mexico Pampanga dahil sa sapilitang paggawa ng mga galyon?
Sa pamamagitan ng ________.
A. pagpapapugot ng kanyang ulo
B. pagpapatupad ng “divide and rule policy”
C. pagpapaslang sa kanya habang nasa labanan
D. pagpapatugis sa kanya sa mga sundalong Espanyol
4. Bakit tinutulan ng mga Espanyol na mapabilang sa Dominikanong Orden ang kapatirang
“Confradia de San Jose” na itinatag ni Apolinario dela Cruz o kilala sa pangalang Hermano
Pule?
A. Ito ang daan upang mabisto ng mga Pilipino ang maling turo ng mga prayle at hindi
na sila susundin
B. Hihigit ang kapangyarihan ng mga paring Pilipino kaysa sa mga paring Espanyol
C. Lalakas ang pwersang katutubo at magkaroon ng malawakang pag-aalsa
D. Lahat ng nabanggit
5. Alin ang HINDI nagpapatunay sa pahayag?
Ang pag-aalsa ni Francisco Dagohoy sa Bohol ay itinuring na pinakamahabang rebelyon
sa panahon ng kolonyalismo at natapos ng 85 taon.
A. Nabuwag ang rebelyon sa dahilang matanda at mahihina na ang mga kasapi, at
kakulangan sa mga sandata at stratehiya sa pakikipaglaban.
B. May dalawampung gobernador-heneral na umupo sa puwesto ang hindi
nagtagumpay na apulain ang rebelyon.
C. Nagapi ng mga Espanyol nang mas maaga ang pag-aalsa ng pangkat ni
Dagohoy.
D. Matibay ang pagkakaisa ng mga kasapi ng Rebelyong Dagohoy.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.