1. Ang pamilya ni Tonio ay nakatira sa malawak na kapatagan sa Nueva Ecija. Anong kabutihang dulot nito sa kanilang pamilya?

A. Nakapagsasaka at nakapag-aani ng produkto.

B. Nakapangingisda at nakapag-babangka.

C. Nakapagmimina at nakapag-trotroso.

D. Nakapanghuhuli at nakapag-aalaga ng hayop.

2. Karamihan sa mga katutubong Badjao ay naninirahan sa Sulu malapit sa karagatan. Alin sa sumusunod ang kahalagahan nito?

A. Nakakasisid sila ng mga perlas.

B. Nakakapag-alaga sila ng mga hayop.

C. Nakapagtatanim sila at nakakapagsaka.

D. Nakapagmimina sila ng mga mineral.

3. Ang iyong Kuya ay nagtatrabaho sa Lungsod ng Caloocan. Alin sa sumusunod

ang hindi hanap-buhay ng mga tao dito?

A. Pakipagpalitan ng produkto.

B. Pamamasukan sa mga pabrika.

C. Call center agent sa malalaking kompanya.

D. Maaaring makapang huli ng mga sariwang isda.

4. Kapag bakasyon ang inyong buong pamilya ay namamasyal sa magagandang lugar

sa ating bansa. Ano ang pakinabang nito sa ating bansa?

A. Nakapagpapa-unlad ng turismo.

B. Nakapagpapabilis sa transportasyon.

C. Nakatutulong sa pagsasaka at pagtatanim

D. Nakatutulong sa pagtuklas ng teknolohiya.





5. Ang mga katutubong Igorot ay naninirahan sa magagandang bulubundukin sa Cordillera, Mt. Province. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pakinabang dito?

A. Nakakaakit ito ng maraming turista.

B. Nakakatulong ito sa transportasyon.

C. Nakakasagabal ito sa pagpapa-unlad ng kapaligiran.

D. Nakatutulong ito sa pagpapabilis ng komunikasyon.

II. Panuto: Iguhit ang happy face kung TAMA kung ang isinasaad sa bawat

bilang ay tungkol sa kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa

pag-unlad ng bansang Pilipinas at Sad face kung MALI naman kung hindi.

____1. Ang pagbisita sa magagandang pook-pasyalan sa ibang bansa ay nakatutulong sa ekonomiya at pag-unlad.

____2. Ang transportasyon ay mahalagang aspekto sa pag-unlad dahil dito nakasalalay ang pagdating at paghatid ng mga produkto mula sa iba’t ibang lugar.

____3. Ang kalakalan ay mahalaga sa pag-unlad ng bansa dahil naibibigay nito ang pangangailan ng mga mamamayan.

____4. Ang pulo-pulo na katangiang pisikal ng bansa ay walang kapakinabangang dulot sa pag-unlad ng isang lugar at maging sa ating bansa.

___5. Trabaho, turismo, at sari-saring produktong pangkalakalan ang ilan sa idinudulot ng pagkakaroon ng magandang katangiang pisikal ng ating bansa



III. Panuto: Punan ang tabulasyon ng kahalagahan ng mga sumusunod sa pag-unlad

ng bansa at ng isang magbigay halimbawa

Salik na nagpapa-unlad Kahalagahan Halimbawa

1. Industriya at produkto

2. Hanap-buhay

3. Turismo

4. Transportasyon

5. kalakalan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.