1. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kabihasnan MALIBAN sa __________.



a. nakagawiang pamumuhay at pinauunlad ng maraming pangkat ng tao.

b. pamumuhay ng magkakasama sa isang malawak na lupain.

c. paninirahan malapit sa ilog.

d. pagiging lagalag o palipat-lipat ng tirahan.

 



2. Ito ang tawag sa templong itinatag ng mga Sumerian na kinilala bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa. 



a. Great Wall of China

b. Hanging Garden

c. Taj Mahal

d. Ziggurat

3. Ito ang tumutukoy sa mga salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. 



a. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at pagsusulat.

b. Pamahalaan, relihiyon sining, arkitektura at pagsusulat.

c. Pamahalaan, relihiyon, kultura at tradisyon, populasyon at estado.

d. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at pagsusulat.

4. Ang Ilog Huang Ho sa Tsina ay tinawag na Yellow River dahil sa __________. 



a. ang taunang pagbaha sa ilog ay kumikitil ng maraming buhay.

b. ito ay nag-iiwan ng pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito.

c. ito ang pangalawa sa pinakamahabang ilog sa Asya.

d. kulay dilaw ang tubig nito.

5. Ito ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat sa kabihasnang Indus.



a. Calligraphy

b. Cuneiform

c. Hieroglyphics

d. Pictogram

6. Ito ang tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino. 



a. bricks

b. clay tablet

c. oracle bones

d. sacrificial bones

7. Pagsunod-sunorin ang mga kaganapan sa sinaunang kabihasnang Asyano: I. Naitatag ang pamayanang Mhergah na nasa Kanluran ng Ilog Indus II. Naglaho ang kabihasnang Indus III. Umusbong ang Kabihasnang Sumer IV. Mga pamayanang umusbong bago pa ang Kabihasnang Shang, ito ang kalinangang Yangshao at Lungsan 



a. IV, III, I, II

b. II, I, IV, III

c. III, I, IV, II

d. I, III, IV, II

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.