Questions


August 2021 1 7 Report
1. Ang mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto ang nagtulak
sa mga Kanluranin na sakupin ang Timog-Silangang Asya. Isa na ang paglalayag sa pamumuno ni Ferdinand
Magellan. Narating niya ang Silangan gamit ang rutang pa-Kanluran. Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni
Ferdinand Magellan?
A. Napatunayan niya ang masaganang pamumuhay ng mga Asyano.
B. Napatunayan niya na mayaman sa ginto ang Pilipinas.
C. Napatunayan niya na bilog ang
mundo.
D. Napatunayan niya na walang imposible kung gugustuhin mo.
2. Noong unang panahon, ang pamahalaang barangay ay pinamunuan ng mga datu. Nang dumating ang mga Kastila sa
Pilipinas, ipinatupad nila ang pamahalaang sentralisado na ipinalit sa pamahalaang barangay upang mas maging
organisado ang pamamahala ng mga namumuno sa kanyang nasasakupan. Anong uri ng pamahalaan na ipinalit sa
pamahalaang barangay ng mga Kastila?
A. Pederal
C. Sentralisado
B. Barangay
D. Monarkiya
3. Sa pagdating ng iba't ibang mananakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay nagdulot ng maraming
pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspektong
politikal ng mga nasakop na bansa?
A. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
B. Pagpapatayo ng mga inprastraktura
C. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa
4. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang paglaya ay ang
pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili para sa bayan,
pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng sambayanan. Ang konseptong tinutukoy ay ...
A. Patriotismo
C. Kolonyalismo
B. Nasyonalismo
D. Neokolonyalismo
5. Ang nasyonalismo ang nagbubuklod sa isang bansa upang ito ay manatiling matatag sa pamamagitan ng
ugnayan ng bawat mapagmalasakit na mamamayan. Ito ang nagbibigay kahulugan sa layunin ng bawat bansa
kung kaya't mahalaga na sinumang mamamayan nang anumang bansa o bayan ay mayroong damdaming
nasyonalismo. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapamalas ng nasyonalismo sa kasalukuyang
panahon?
A. halos namalat ang boses ni Ana sa pagsigaw bilang suporta sa kanilang basketball team
B. nahihilig si Lando sa panunood ng mga pelikulang gawa sa Hollywood
C. madalas pagtalunan ni Baste at Mario kung sino ang tama sa kani-kanilang paniniwala
D. nais ni Pablo na maging mahusay na abogado

thanks and god bless sa sasagot! ❤​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.