Questions


November 2022 1 41 Report
1. Ang lokasyon ng Rome ay nagbigay- daan sa pakikipagkalakalan nito sa ibang mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea. Alin sa sumusunod ang katunayang heograpikal sa pahayag na ito?
A. Sa kapatagan ng Latium umusbong ang dakilang lungsod ng Rome
B. Umunlad ang pamumuno ng Rome na nakilala sa pananakop ng lupain
C. Nasuportahan ng saganang kapatagan ang Agrikultura para sa lumaking populasyon nito.
D. Estratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag- uugnay dito sa Mediterranean Sea

2. Ang Rome ay nag- iwan ng maraming pamana sa daigdig sa iba’t ibang larangan tulad ng pagbabatas, panitikan, arkitektura at inhenyera. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay nito sa larangan ng arkitektura?
A. Naisalin ng mga Romano ang mga tula at dula ng Greece tulad ng mga likha ni Cicero at Marcus Plautus
B. Ang mga pampublikong palikuran at pamilihan, mga arko sa mga bulwagan at temple tulad ng basilika at ang colosseum na para sa labanan ng mga Gladiator.
C. Naipatupad ng Rome ang Law of the Twelve Tables na nagsasaad ng mga karapatan ng mga mamamayan at mga pamamaraang ayon sa batas.
D. Naipakilala ng Rome ang pag- uuri- uri ng mga tao sa lipunan tulad ng patrician at plebeian na hangagng sa kasalukuyan ay may mahirap at mayaman.

3. Ang Imperyong Songhai sa ilalim ng pmumuno ni Dia Kossoi noong 1010 BCE at ni Sunni Ali noong 1335 ay parehong naging matatag dahil sa pakikipagkalakalan. Magkagayunpaman, alin sa mga sumusunod ang kanilang ipinagkaiba sa pagiging bukas na isipan sa pamumuno?
A. Maluwag na tinanggap ni Dia Kossoi ang kaniyang pamumuno sa Imperyong Songhai bilang kalooban ng langit
B. Pinagpalagay ni Sunni Ali na sapat na ang kaniyang kapangyarihan para pamunuan ng mga tao sa Mali.
C. Malugod na tinanggap ni Dia Kossoi ang pananampalatayang Islam samantalang si Sunni Ali ay itinanggi ang relihiyong ito sapagkat sapat na ang kaniyang kapangyarihan para mamuno.
D. Pinalawak ni Dia Kossoi ang nasasakupan sa pamamagitan ng pakikipag- ugnayan sa mga Berber samantalang si Sunni Ali ay iginalang ang maa iskolar na Muslim.

4. Agrikultura ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa Meso- America. Ang mga magsasaka ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan kung kaya sinasamba nila ito bilang mga diyos tulad nina Yum Kaax at Huitzilopochtli. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang makapagpapatunay nito?
A. Ang Agrikultura ay saklaw ang pagsasaka, pangingisda, pagpaparami ng mga hayop at pagtotroso.
B. Mahalaga ang sikat ng araw sa paglago ng mga pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan, inaalayan sa ritwal ang kinikilala nilang Diyos ng Araw.
C. Ang mga pari ang may kakayahang makipag- usap sa mga diyos kung kaya tinitiyak nila na naisasagawa ang mga seremonya sa tamang oras.
D. Maraming palamuti ang damit ng mga Diyos ng Meso- America para ipakita ang pagkilala nila dito.

5. Ang “Trans-Sahara”ay umiral mula pa noong panahong pre- historiko na umabot ang katanyagan nito hanggang sa ikawalong siglo. Paanong nakatulong ang “Trans- Sahara” sa pag- unlad ng kalakalan sa pagitan ng hilagang Africa at sa kanlurang Sudan?
A. sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga lugar ng kalakalan sa Sahara.
B. sa pamamagitan ng dumayuhan ng maraming tao sa Sahara upang makipagpalitan ng kalakal.
C. sa pamamagitan ng pagpunta sa Sahara ng mga mangangalakal at sakay ng mga elepante ang kanilang mga kalakal.
D. sa pamamagitan ng paglalakbay ng mga nomadikong mangangalakal sa Sahara dala ang Caravan na tinatawag nating tiangge sa kasalukuyan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.