1. Ang isyu sa pagitan ng china at pilipinas ay hindi mawala wala dahil sa pag aagawan nito sa islang West Philppines Sea o tinatawag din na South China Sea. sa iyong palagay,umiiral ba ang KOLONYALISMO at IMPERYALISMO sa ganitong usapin? I BRAINLIST KKO MA KA SAGOT NITO PLEASE
Answers & Comments
Sa aking palagay, hindi. Hindi umiiral ang kolonyalismo at imperyalismo sa sitwasyon ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea. Ito ay dahil hindi naman intensyon ng Tsina na sakupin ang buong Pilipinas, kundi nais lamang nila angkinin ang West Philippine Sea upang patayuan ito ng mga military bases. Isa pa, may "ebidensya" kuno ang Tsina na sa kanila ang mga islang nasa West Philippine Sea kaya hindi ito matatawag na kolonyalismo o imperyalismo. Panghuli, hindi na isang imperyo o isang kaharian ang Tsina kaya't hindi talaga ito matatawag na kolonyalismo o imperyalismo.