1. Ang bagong anyo ng pananakop na sumibol sa Asya pagkalipas ng IkalawangDigmaang Pandaigdig. *

kolonyalismo
imperyalismo
nasyonalismo
neokolonyalismo

2. Anyo ng neokolonyalismo kung saan nagagawang impluwensiyahan at kontrolin ng makapangyarihan bansa ang sistemang pang-ekonomiya, produksiyon, pananalapi at kalakalan ng mga mahihirap na bansa. *

Kultural
Pang- ekonomiya
Pulitikal
Tradisyunal

3. Sa anyong ito, binabago ang oryentasyon o pananaw ng mga bansa sa Asya sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang kultura sa tulong ng edukasyon at mass media. *

Kultural
Pang-ekonomiya
Pulitikal
Tradisyunal

4. Ang hindi direktang pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa mga bansang mahihina sa larangan ng pamamahala. *

Kultural
Pang-ekonomiya
Pulitikal
Tradisyunal

5. Ang pangunahing dahilan sa pakikialam ng mga maunlad na bansa sa ekonomiya ng hindi maunlad na bansa.

edukasyon
ginto
kapangyarihan
likas na yaman

6. Third World Countries ang tawag sa *

mga bansang nasakop ng mga Kanluranin
mga bansang nakaranas ng digmaang sibil
mga bansang industriyalisado at mayayaman.
mga bansang mahihirap at papaunlad pa lamang.

7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng neokolonyalismong pang-ekonomiya? *

Paggamit ng wikang banyaga.
Pagbibigay ng tulong kaalaman
Pagbibigay ng tulong teknikal at sandata
Pagpapautang ng mayayamang bansa sa mahihirap na bansa.

8. Ang Visiting Forces Agreement at Balikatan 2000 ng US sa Pilipinas ay mga halimbawa ng *

foreign aid
foreign debt
multinational companies
economic institution

9. Itinuturing na anyo ng neokolonyalismo ang pagbibigay tulong pinansiyal at militar ng mga Kanluraning bansa sa Asya. Para mapangalagaan ang bansa,ano ang nararapat na gawin ng mga Asyano? *

Sumali sa mga samahang panrehiyon sa Asya.
Humingi ng tulong sa mga bansa sa Asya lamang.
Putulin ang lahat ng ugnayan sa mga Kanluraning bansa.
Suriing mabuti ang mga kasunduang umiiral at epekto nito sa bansa.

10. Istratehiya sa ilalim ng neokolonyalismo kung saan gumagawa ng paraan ang mga kolonyalista para guluhin o ibagsak ang isang pamahalaan. *

covert operation
colonial mentality
revolution
Pagbibigay tulong teknikal at armas.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.