Questions


November 2021 2 8 Report
____ 1. Ang _________ ay nakatutulong sa pagsuplay ng mga pagkain tulad ng manok, baboy at karne.
a. Paggugubat b. Paghahalaman c. Paghahayupan d. Pangingisda
____ 2. Ito ang pinagkukunan ng ating supply ng plywood, tabla, troso at veneer.
a. Paggugubat b. Paghahalaman c. Paghahayupan d. Pangingisda
____ 3. Ang mga sumusunod ay suliranin ng sektor ng agrikultura, MALIBAN SA ISA.
a. Pagliit ng lupang sakahan. c. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor.
b. Pagdagsa ng dayuhang kalakal. d. Pagkakaroon ng kumpleto at makabagong pasilidad.
____ 4. Ito ay mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na magingisda kung saan gumagamit sila ng malalaking
lambat na may pabigat at ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki.
a. Cyanide Fishing b. Dynamite Fishing c. Muro-Ami d. Thrawl Fishing
____ 5. Ang mga sumusunod ay mga uri ng pangingisda MALIBAN SA ISA.
a. Aquaculture b. Komersyal c. Lokal d. Munisipal
____ 6. Piliin kung alin sa mga sumusunod ang HINDI pangunahing pananim dito sa ating bansa.
a. mais, niyog, tubo b. mangga, tabako, abaka c. saging, pinya, kape d. mansanas, ubas, kiwi
____ 7. Isang suliranin ng sektor ng agrikultura ang land conversion. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan.
b. Pagpapalit ng mga karagatan para patayuan ng mga gusali.
c. Pagpapalit ng mga pananim na nakaugalian sa mga pananim mula sa ibang bansa.
d. Pagpapalit ng mga pinatatayuan ng mga bahay para gawing sementeryo.
____ 8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gawain mula sa sektor ng agrikultura?
a. dahon at ugat para sa kemikal o gamut c. kahoy para sa mga muwebles
b. hibla para sa tela at sinulid d. manok na ilalaban sa online sabong
____ 9. Anong bangko sa Pilipinas ang pangunahing makatutulong upang makapagpautang sa mga magsasaka upang
tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono at butil.
a. Bangko de Oro b. China Bank c. East West Bank d. Landbank of the Phils.
____ 10. Ang mga sumusunod ay mga itinatapon ng mga tao sa dagat at naka-aapekto sa mga anyong tubig ng bansa,
MALIBAN SA ISA.
a. balat ng prutas b. dumi ng tao c. kemikal na sangkap d. pataba o abono

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.