1. Alinsunod sa Saligang Batas ng 1935, nagdaos ng isang pambansang halalan noong Setyembre 7, 1935. Ano ang layunin nito A. Upang piliin ang pambansang wika para sa bansa B. Upang piliin ang mamamahala sa Pamahalaang Komonwelt C. Upang pilin ang mamumuno sa Sandatahang lakas ng bansa D. Upang suriin ang mga sumasang-ayon na makaboto ang mga babae
2. Sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt, layunin nitong magkaroon ng mga batas na magiging patas sa lahat ng tao sa lipunan. Alin sa mga sumusunod na batas ang hindi nagtataguyod ng katarungang panlipunan? A. Eight-Hour Labor Act C. Tenancy Act B. Minimum Wage Act D. Anti-Terrorism Bill 3. Ang pangulo ng bansa ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan na may kasamang mabigat na responsibilidad o tungkulin. Alin ang katungkulan ng pangulo ng bansa ayon sa Saligang Batas? A. May kontrol sa lahat ng kagawaran at kawani ang tagapagpaganap. C. Gumawa ng mga batas na ipapatupad sa bansa, B. Maglitis sa mga paglabag sa batas D. Maghatol ng parusa sa mga gumawa ng krimen. 4. Isang mahalagang bagay na naitatag ng Pamahalaang Komonwelt ang pagkakaroon natin ng sariling Sandatahang Lakas. Bakit kailangang magkaroon ng reserbang lakas ang Sandatahang lakas ng Pilipinas? A. Upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa bansa B. Upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa C.Upang makatulong sa pagtatanggol ng bansa sa oras ng kagipitan D. Wala sa nabanggit 5. Ang sangay na Hudikatura ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Korte Suprema. Bakit ang Korte Suprema ang lumilitis ng mga kaso o paglabag sa batas A. dahil ito ay kanyang kapangyarihan ayon sa Saligang Batas C. dahil ang mga kawani nito ay tapat B. dahil ito ay utos ng pangulo ng Amerika D. Lahat ng nabanggit 6. Sa matagal na panahon, hindi pantay ang pagtrato sa mga kalalakihan at kababaihan sa ating lipunan. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng mga kababaihan nang mabigyan sila ng pagkakataong makaboto at humabol sa anumang posisyon sa pamahalaan? A. Natakot sila sa panibagong responsibilidad. C. Tumanggi sila sa karapatang ibinigay sapagkat abala na sa pamilya. B. Natuwa sila na bahagi rin sila ng lipunan. D. Namuhay sila sa anino ng diskriminasyon sa lipunan. 7. Maraming naging mabuting epekto ang mga programa sa panahon ng Komonwelt sa mga Pilipino. Isa na rito ang pagkakaroon sarili nating Sandatahang lakas. Ano ang dahilan kung bakit isang Amerikano ang nagsilbing tagapayo ng militar sa halip na isang Pilipino rin? A. Dahil sakop pa rin tayo ng mga Amerikano B. Dahil hindi marunong makipaglaban ang mga Pilipino C. Dahil mas marami ng karanasan ang mga Amerikano sa pakikipaglaban D. Dahil ayaw ng mga Pilipinong sundalo ng mabigat na tungkulin 8. Sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt, maraming mga Pilipino ang nabigyan ng pagkakataong mamuno at magamit ang angking galing sa pamamalakad ng bansa. Ano sa palagay mo ang epekto nito sa mga mamamayang Pilipino A. Nagkaroon ng kumpyansa na pamahalaan ng mga Pilipino ang Pamumuno sa bansa. B. Nawalan ng tiwala sa pamahalaan ang mga Pilipino upang mamuno. C. Nangamba sa estado ng pamahalaan ang mga Pilipino sa pamumuno ng bansa. D. Wala sa nabanggit 9. Ang Pamahalaang Komonwelt ay tatagal ng sampung taon. Sa iyong palagay, bakit ganito katagal ang ibinigay na panahon ng mga Amerikano ang ating kalayaan? A. Dahil pinag-iisipan pa nila kung palalayain nga tayo C. Dahil nais nilang mahasang maigi ang mga Pilipino sa pamamahala B. Dahil wala silang balak na palayain talaga tayo D. Wala sa nabanggit 10. Ang Pamahalaang Komonwelt ay may tatlong sangay. Bakit kaya kinakailangang hotiin sa tatlong sangay ang pamahalaan? A. Upang mahati ang tungkulin sa bawat sangay C. Upang maging mas marami ang matuto sa pamamahala B. Upang maraming Pilipino ang makilahok sa pamahalaan D. Wala sa nabanggit

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.