Questions


October 2022 1 0 Report
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa katangian ng mga taong
namuhay sa Panahon ng Lumang Bato o “Paleolithic Age”?
A. Kauna-unahang nakatuklas sa paggamit ng apoy.
B. Nanatili sa permanenteng lugar o tirahan.
C. Nangalap ng pagkain sa kapaligiran.
D. Gumamit ng magagaspang na bato.
2. Paano nabubuo ang mga sinaunang kabihasnan?
A. Pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan,
sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat.
B. Nalinang ang pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng
pagsulat.
C.Lumago ang populasyon at napangkat ang tao ayon sa kanilang
kakayahan.
D. Naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran.
2
3.Paano natuklasan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng bato?
A. Natuklasan ang paggamit ng bato nung pinukol ito sa mga hayop at nakita nila ang epekto nito.
B. Sinasabing ang unang tao ay walang ibang pinagkukunan ng kagamitan kundi ang bato.
C. Naninirahan ang mga unang tao sa kweba at doonnatuklasan ang paggamit ng bato.
D. Sinasabing ang unang tao ay walang alam sa paggawa ng ibang materyales.
4.Sa anong panahon bago lumitaw ang kasaysayan kung saan nangangalap ng
pagkain ang mga tao na karaniwan ay halaman?
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

5.Anong kaganapanang siyangnagingdaan ng tao para gamitin ang apoy?
A. Nang minsang tamaan ng kidlat ang isang puno at nakagawa ng apoy.
B.Noong natuklasan ng tao na mas masarap ang pagkaing luto sa apoy.
C. Nang sinubukan ng taong paghampasin ang dalawang bato.
D.Lahat ng nabanggit na pangungusap ay tama.
6.Ang panahon na nagsimula ang pagtunaw ng glacier, umusbong ang mga kagubatan at mga ilog at
dagat.
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

7.Anong panahon natutong magpaamo ng hayop ang mga tao?
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

8.Sa kaganapang ito natutong magsaka at nanatili sa permanenting lugar ang mga tao.
A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Mesolitiko D. Panahong Metal
9.Angpanahong ito ay nakilala angpaggawa ng alahas at kagamitang pandigma ng mga tao.
A. Paleolitiko B. Panahong Metal C. Neolitiko D. Mesolitiko

10.Ang kinilalang pinakamatigas na uri ng metalna nakapagpaunlad sa teknolohiya ng tao.
A.Bakal B. Bronse C. Lata D. Tanso
11.Ang pangkat ng sinaunang Indo-Europeo na nakatuklas ng bakal.
A.Chaldean B. Griyego C. Hittite D. Persiano
12.Bakit mahalaga ang sistema ng pagsulatbilang isang salik sa pagbuo ng kabihasnan?
A. Malaki ang ambag nito sa pagsalin ng mga ideya sa pamamagitan ng mga titik o simbolo.
B. Hindi magkakaintindihan ang tao kung walang uri ng komunikasyon.
C. Dito napapahayag ang gustong sabihin ng isang tao.
D. Ang sistema ng pagsulat ay larawan ng kabihasaan.
13.Alin ang pinakaakmang pahayagang tumutukoy sa pamumuhay sa panahong mesolitiko?
A. Ginagamit ng mga sinaunang tao ang balat ng hayop para makagawa ng bag.
B. Nadiskubre ng mga sinaunang tao ang paggamit ng posporo para makagawa ng apoy.
C. Natuto ang tao na gumawa ng sasakyang pandagat dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain.
D. Sa yungib o kwebaminsan tumira ang sinaunang tao bilang panangga sa mababangis na hayop.

14.Ang mga sumusunod ay uri ng pamumuhay sa panahong Neolitiko MALIBAN sa:
A. Naganap sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop.
B. Sa kanilang pananatili sa isang lugar nagsimula ang pagtatag ng pamayanan.
C. Nalinang ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.
D. Ang pinakamahalagang pagbabago sa pamumuhay sa panahong ito ay ang
pagsisimula ng agrikultura.
3
15. Ang mga sumusunod ay salik sa pagbuo ng kabihasnan MALIBANsa:
A. Pamahalaan B. Panuntunan C. Relihiyon D. Sistema sa pagsulat

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.