Panuto: Tingnan natin ang pagbabago na maaaring mangyari o nangyayari na sa
iyo sa ngayon. Gawin ito sa iyong “journal notebook”. Ilagay sa loob ng kahon
ang pagkakaiba ng iyong ginagawa kung paano ka makipaglaro sa iyong mga
kaibigan o kalaro.
A. Noong nasa 8 o 9 na taong gulang
ka pa lamang B. Ngayong nasa sekondarya ka na
Gawain 4. Nagaganap o Di-nagaganap
Panuto: Ngayong ikaw ay nasa baitang 7 na, suriin ang bawat pangungusap kung
ang mga ito ay nararanasan o nangyayari na sa iyo sa ngayon. Isulat sa bawat bilang
ang salita na NAGAGANAP kung ito ay nararanasan mo na o nangyayari na sa iyo
at DI-NAGAGANAP kung hindi mo ito nararanasan o hindi nangyayari sa iyo. Gawin
ito sa iyong sagutang-papel.
1. Mas nais mo ang tahimik na paligid o walang kasamang maliit na kapatid
na nag-iingay.
2. Lagi kang tumitingin sa harap ng salamin upang tiyakin na ayos ang
iyong kasuotan.
3. Ayaw mong magpaiwan sa iyong nanay kapag nasa paaralan ka.
4. Nararamdaman mo na parang pinaghihigpitan ka ng iyong magulang kapag
sinasaway ka sa iyong gawain.
5. Iniiwasan mo na ang maglaro sa harap ng bahay o sa kalsada.
6. Mas nais mo pa rin ang mga larong pambata.
7. Nagkakaroon ka na ng mga kaibigan sa paaralan o sa inyong barangay.
8. May napapansin ka ng pagbabago sa iyong katawan.
Pamantayan sa Paggawa
Orihinalidad – 5 puntos
Nilalaman – 5 puntos ( nakapagbigay ng 1-2 = 3 puntos at 3 o higit = 5 puntos)
Pagkamalikhain – 5 puntos
Kabuoan = 15 puntos
Answers & Comments
Answer:
-noong nasa 8 o 9 na taong gulang ako ay mahilig akong maglaro, makipag-kulitan, at padalos dalos kung ako ay mag isip.
-ngayong nasa sekondarya naman na ako ay may limita na ang aking pakikipag-kulitan at kung madalas ay mas ginususto kong mag-isa , ang aking mga desisyon ay di na rin padalos dalos.