Si Jesse Robredo ay nanungkulan ng kabuuan na labing siyam na taon bilang alkalde ng Lungsod ng Naga, Camarines Sur hanggang sa siya ay maimbitahang maging miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III. Siya ay nanungkulan bilang kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal noong panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III. Ang kanyang panunungkulan bilang miyembro ng gabinete ay nagtagal lamang ng dalawang taon makaraang ang kanyang eroplanong sinakyan ay aksidenteng magcrash sa Masbate. Ang mga taon na siya ay nanungkulan bilang alkalde ng Naga ay mula Hunyo 30, 1988 hanggang Hunyo 30, 1998 at sa pangalawang pagkakataon noong Hunyo 30, 1991 hanggang Hunyo 30, 2010. At ang mga taon ng kanyang panunungkulan bilang kalihim sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong aquino ay mula Hulyo 10, 2010 hanggang Agosto 18, 2012. Maging hanggang sa araw ng kanyang pagkamatay, ang kanyang ginagawa ay panunungkulan. Mababalitaan na siya ay umuwi panandalian sa kanilang bayan upang suportahan ang kanyang anak na nakatakdang lumahok sa isang paligsahan sa paglangoy. Ngunit sa kasamaang palad, ang kanyang eroplanong sinakyan ay hindi nakaabot sa Naga sapagkat ito ay nag emergency landing sa Masbate ngunit ito ay sa dagat bumagsak at ang mga sakay nito ay nalunod kabilang na si G. Robredo.
Answers & Comments
Answer:
Jesse Robredo