–Ang ginawa ng mga Kastila ay ipinagsama nila ang mga paniniwala ng mga Pilipino, idinikit ang mga hawig na kultura, para maintindihan nila ang Kristiyanismo. Katulad ng mga rosaryo sa mga anting-anting, sapagkat ang rosaryo ay isang banal na bagay, ikinonekta ito bilang isang posibleng panangga sa mga demonyo sapagkat espesyal ito.
Ngunit, kahit subukan man ng mga Kastila palitan ang mga paniniwala ng mga Pilipino, kahit sa mararahas na pamamaraan, katulad ng pagsusunog ng mga nakasulat na literatura nila, may mga ibang bagay ang nanatili pa rin.
Nuno sa Punso
Ano nga ba ang mga natirang paniniwala ng mga Pilipino kahit dumating pa ang mga Kastila? Halimbawa, kapag puputol sila ng kahoy, papaalam muna sila sa puno at ipapaliwanag na dahil sabi ng padre kaya lamang nila ginagawa iyon o kaya’t kapag naglalakad sa bukid ay magsasabi, “Makikiraan lang po” at hanggang ngayon may mga taong gumagawa pa rin ng ganoong bagay kahit na sa siyudad. Ayaw na ayaw ng pari iyong ugali ng mga ninuno natin na sinasamba nila ang mga “nuno”, ang mga anito o ninuno nila mismo, sapagkat para sa kanila, isa lamang ang dapat sambahan nila kaya’t gusto nilang alisin ang ugaling iyon.
Noong panahon ding iyon nang bumaba ang tingin sa mga babaylan. Sa mga panahon na pumupunta na ang mga Kastila sa Pilipinas, lumalaganap sa Espana ang paniniwala sa mga bruja at uso sa kanila ang witch-hunting. Dahil sa kanila, ang mga babaylan, manggagamot at mga taong dapat nakakagawa ng kababalaghan ay tinagurian nilang mangkukulam.
Answers & Comments
Answer: