ISAIS
A. Pag-usapan Natin!
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Anong uri ng hari si Haring Fernando? Paano mo siya mailalarawan bilang isang ama?
2. Bakit masasabing kakaiba ang gamot na inireseta para sa sakit ng hari?
3. Ano ang pinatunayan ni Don Pedro nang agad siyang tumalima sa utos sa kanyang
hanapin at iuwi sa palasyo ang ibong makapagpapagaling sa sakit ng ama?
Answers & Comments
Answer:
1.Si Haring Fernando bilang isang Hari
Si Haring Fernando ang pinuno ng kaharian ng Berbanya at asawa ni Donya Valeriana. Siya ang ama ng tatlong lalaki, na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Masasabing siya ay mabuting hari dahil naging masagana ang buhay ng mga tao sa kanyang nasasakupan dahil sa kanya.
Kinikilala siya bilang isang maginoong hari. Hinahangaan siya ng marami dahil sa ilalim ng kaniyang pamamahala ay naging masagana ang kaharian. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang mga tao ay nakatatanggap ng sapat na pagpapala maging sila ay maginoo, mayaman o dukha man. Isa siyang mabuti at mainam na pinuno at tagapagbigay ng makatwirang batas na kailangang sundin dahil ang sinumang lumabag dito ay sumasailalim sa patas na paglilitis at binibigyan ng karampatang parusa.
Ang paniniwala ni Don Fernando na kahit na ang isang tao ay maginoo kung wala namang laman ang utak ay isa lamang palamuti sa palasyo. Kaya naman laking tuwa niya dahil binigyan siya ng mga anak na marurunong at magagaling.
Si Haring Fernando bilang isang ama
Masasabi ring isa siyang mapagmahal na asawa at ama sa kanyang mga anak. Dahil sa labis na pagmamahal ng hari sa kaniyang mga anak ay maaga niyang pinaturuan ng mga kinakailangang kaalaman. Dumating ang takdang oras na pinapili ng mahal na hari ang kaniyang tatlong anak kung anong nais nila pagdating ng panahon, ang maging hari o ang maging isang pari. Pinili ng tatlo ang maging hari at maglingkod sa kanilang bayan.
Ngunit nagkasakit si Don Fernando matapos managinip na si Don Juan ay pinatay ng dalawang tampalasan. Dahil sa matinding sakit niya, inutusan niya ang kaniyang mga anak na pumunta sa Bundok Tabor at kunin ang Ibong Adarna. Nakapagpagaling siya dahil sa Ibong Adarna at pinarusahan niya sina Don Pedro at Don Diego dahil sa ginawa nila kay Don Juan.
2.My answer in no.2 is in the picture ☺️
3.sorry that's all I know about the story of ibong adarna but I hope I can help you even if that's all I answered☺️
Explanation:
sorry friend that's all i know sorry if i don't know no.3 i don't know the answer ☹️ but I hope this answer will help you ☺️☹️