1. Nais mong magtanim sa bakanteng lote sa inyong bakuran. Ayaw kang
payagan ng tatay mo dahil hindi mo rin naman daw maaalagaan ang mga ito.
Ano ang gagawin mo?
A. Iba na lang gagawin mo kahit labag sa kalooban mo.
B. Hindi ka na magtatanim dahil iyon ang sinabi ng tatay mo.
C. Hahanap ka ng ibang bakanteng lote upang mapagtaniman.
D. Hihilingin mong payagan kang magtanim para makita niyang may
pananagutan ka sa pag-aalaga ng halaman.
6
2. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyekto na humihikayat sa lahat na
magtanim ng mga gulay sa kanilang likod-bahay. Paano ka makatutulong sa
proyektong ito?
A. Ikaw mismo ang magsisimulang magtanim.
B. Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto.
C. Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gusting gawin.
D. Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para proyektong
nabanggit.
3. Narinig mo ang lolo mo inuutusan niya ang kanyang tauhan na magkaingin sa
kanyang bukid o pagtabas at pagsunog ng matataas na damo. Alam mong
may masamang epekto sa tao at sa kapaligiran, ano ang gagawin mo?
A. Magagalit ka sa lolo mo.
B. Isusumbong mo ang mga lolo mo sa awtoridad.
C. Tatanggalin mo sa trabaho ang lahat ng mga manggagawa sa bukid.
D. Ipapaliwanag mo sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihin ang
masamang epekto nito sa tao at sa kapaligiran.
4. Ilan sa iyong kapitbahay ang madalas na bumibili sa tinda mo. Napansin
mong hindi nila nilalagay sa basurahan ang kanilang kalat, naisip mong
maglagay ng poster bilang paalaala. Alin sa sumusunod ang gagamitin mo?
A. Sa tingin mo ba okey dito ang pagkakalat?
B. Huwag magkalat. Magmumulta kapag nahuli ka.
C. Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang basurahan?
D. Pakitapon ang inyong mga kalat sa tamang basurahan.
5. Nadaanan mo ang iyong kaibigan na akmang itatapon sa ilog malapit sa inyo
ang kanilang basura. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi papansinin ang kanyang ginagawa.
B. Hayaan lang siya dahil gawain mo din iyon.
C. Pigilan at ituro ang tamang tapunan ng basura.
D. Tutulungan mo ang iyong kaibigan sa kanyang ginagawa.
6. Natutuhan mo sa klase ang halaga ng paghihiwalay ng basura. Ngunit hindi
ito naisasagawa sa bahay ninyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan lamang sila sa kanilang gawain.
B. Pagsama-samahin ang lahat ng basura sa isang lalagyan.
C. Maglaan ng mga basurahan para sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
D. Hintayin ang mga magulang na sila sa ang magturo sa mga kapatid mo.
7. Miyembro ka ng Boy/Girl Scout sa inyong paaralan. Napansin mong walang
gaanong tanim sa malawak na likurang bahagi ng gusali ng paaralan ninyo.
Ano ang imumungkahi mo sa pulong ninyong mga scouts upang mapaganda
ang inyong paaralan?
A. Gumawa ng islogan na may tema ng pagtatanim ng puno.
B. Hayaan ang opisyal ng paaralan na magpasiya tungkol dito.
C. Himukin ang lahat ng mag-aaral na maglaro sa bakuran ng paaralan dahil
malawak ito.
D. Humingi ng pahintulot sa mga opisyal ng paaralan para magtanim ng
mga puno sa paaralan.
7
KARAGDAGANG
GAWAIN
8. Napansin mong nagbubuga ang sinasakyan mong dyip ng makapal at maitim
na usok. Ano ang gagawin mo?
A. Ipaabot ang sitwasyon sa tamang awtoridad.
B. Magsusumbong ka sa makikitang pulis at ipakulong ang drayber.
C. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.
D. Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw-araw.
9. Maraming mga bote at bag na plastik ang nanay mo. Ano ang gagawin mo?
A. Susunugin mo ang lahat.
B. Babalewalain mo ang tungkol sa bagay na iyon.
C. Sasabihin mo sa nanay mo na ipamigay ang mga iyon.
D. Imumungkahi mo sa nanay mo na i-recycle ang mga ito
.
10.Napansin mong marumi at maraming kalat ang sapa na malapit sa inyong
paralan. Ano ang gagawin mo?
A. Magkunwaring wala kang nakita.
B. Magkikibit-balikat na lamang dahil wala ka namang magagawa.
C. Magsimula ng isang kampanya sa paglilinis kasama ang inyong pamilya.
D. Pupunta sa lokal na pamamahalaan upang ipasa ang mungkahi sa
paglilinis.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.