Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong papel.
1. Maraming naninirahan sa mga bulubundukin, Ano kaya ang ikinabubuhay
na pwede sa mga lugar na ito?
A. pagmimina C. paninisid ng perlas
B. pangingisda D. paggawa ng palamuti
2. Ang mga sumusunod ay ginagamit ng mga sinaunang Pilipino bilang
pambayad sa produkto, MALIBAN sa isa.
A. barya B. ginto C. jade D. kabibe
Rubrik sa Pagguhit
Mga Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
Malinaw ang naiguhit na produkto. 5
Angkop ang mensahe ng pangungusap. 5
Nilagyan ng wastong kulay ang ginuhit na produkto. 5
Kabuoan 15
8
3. Sa pakipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino, madalas na iniiwan ng
mga dayuhan ang kanilang kalakal. Binayaran sila sa kanilang pagbabalik
makalipas ang ilang buwan. Anong magandang katangian ng mga
sinaunang Pilipino ang ipinapakita rito?
A. mabagal B. magastos C. mapagtiis D. matapat
4. Ang mga sumusunod ay bunga ng pagkakaingin MALIBAN sa isa.
A. pagpapatayo ng tirahan o komersyal na gusali
B. pagguho ng lupa sa kabundukan at kagubatan
C. pagkamatay ng mga taniman
D. pagbabaha
5. Ang mga sumusunod ay kasalukuyang hanapbuhay ng mga Pilipino. Alin
sa mga hanapbuhay ang lumilinang sa pakikipagkaibigan at pakikipagugnayan ng mga sinaunang Pilipino sa mga dayuhan?
A. paghahabi C. pangingisda
B. pagsasaka D. pakikipagkalakalan
6. Ano ang tawag sa paraan ng pagsusunog para makagawa ng uling at
upang mapagtamnan ng tirahan o komersyal na gusali?
A. illegal logging C. pagka-quarry
B. pagka-camping D. pagkakaingin
7. Bagong lipat lang sa lugar ang mag-anak na Santos. Napansin nila na
malapit sa dagat ang kanilang lugar. Halos lahat ng mga tao doon ay
may bangka. Ano ang kalimitang hanapbuhay ng mga tao doon?
A. paghahabi C. pagkakaingin
B. pagmimina D. pangingisda
8. Paano ka makatutulong sa mga mangangalakal na Pilipino?
A. Bumili ng produkto galing sa ibang bansa.
B. Ikahiya ang produktong gawa sa Pilipinas.
C. Tangkilikin ang sariling produkto na gawa sa ating bansa.
D. Magpabili sa kamag-anak na OFW ng mga imported goods.
9. Ang sariling produkto ay mga produktong gawa sa sariling bansa at gawa
ng mga manggagawang Pilipino. Paano ka makakatulong sa pag-unlad ng
ating bansa?
A. Bumili ng pitaka yari sa abaka.
B. Bilhin ang paboritong imported na dark chocolate sa grocery.
C. Mangolekta ng mga mamahaling bag na gawa sa iba’t –
ibang bansa.
D. Humingi ng pasalubong na imported na pabango at ipagbili
sa mga kaibigan sa napakalaking halaga.
9
10. Kabilang sa mga hamon sa pangkabuhayan ng Pilipinas kagaya ng
pangingisda at pagsasaka ay ang pagbabago ng klima at iba pang likas
na mga pangyayari tulad ng kalamidad at El Niño phenomenon. Ano ang
ibig ipakahulugan ng pahayag?
A. Malaki ang epekto ng kalikasan sa mga gawaing
pangkabuhayan ng bansa.
B. Sa kabila ng mga hamon, dapat oportunidad lamang ang
isipin ng mga magsasaka at mangigisda.
C. Maraming mga hamon at oportunidad na hinaharap ang iba’t
- ibang mga gawaing pangkabuhayan sa bansa.
D. Dapat manatiling matatag ang mga magsasaka at
mangingisda dahil marami pang ibang hamon na darating sa
kanila.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.