6. Sa hapag-kainan, nagpapalitan ng kuro-kuro ang iyong mga magulang sa kung paano gagastusin ang salaping naitabi upang higit na makinabang, sa panahon ngayon na tumataas ang presyo ng maraming bilihin. Sa iyong palagay, alin kaya rito ang tama nilang gawin?
1 point
A. “Bibilhin ko ang damit na pampormal na nagustuhan ko noong isang buwan.”
B. “Unahin nating bilhin ang loteng pagtatayuan natin ng bahay.”
C. “Palitan ko na kaya ang cellphone ko na isang taon ko nang ginagamit?”
D. “Ipautang kaya natin sa mga kakilala ang pera natin?”

7. Piliin sa mga sumusunod ang maaaring “solusyon laban sa implasyon”:
1 point
A. Ipagpaliban ang pagbabayad sa mga pangunahing serbisyo tulad ng tubig at kuryente
B. Hikayatin ng pamahalaan ang mga mamamayan na mag-aral sa pampublikong
paaralan.
C. Taasan pa ang buwis upang kumita nang malaki ang pamahalaan.
D. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na makakatulong sa pagbaba ng
presyo ng mga bilihin.

8. Bilang isang konsyumer, makakatulong akong unti-unting bumalik sa normal ang takbo ng ekonomiya mula sa implasyon, sa pamamagitan ng:
1 point
A. Pag-iisipang mabuti kung aling produkto ang kailangan lamang na bilhin.
B. Kulitin ang magulang na umutang upang maibili ka ng nais na gadget.
C. Pag-iwas ng pagpunta sa palengke dahil mas maginhawa ang pamimili sa mall
D. Pagbili ng maraming produkto at serbisyo upang suportahan ang bahay-kalakal

9. Sa panahon na mataas ang presyo ng maraming bilihin, at mayroon pang pandemya, ang iyong pamilya ay nagbahagi ng mga damit, canned goods at iba pang kagamitan sa mga kapit-bahay.
1 point
A. Tama ang inyong ginawa dahil naayos at luminis ang inyong cabinet na paglalagyan ng mga bibilhing bagong kagamitan na nagugustuhan.
B. Tama, pero sana ay ibinenta ninyo ang mga ito sa murang halaga upang kumita.
C. Tama, dahil mapupuri kayo ng mga tao na matulungin sa kapwa
D. Tama sapagkat ang salapi nilang nakalaan para rito ay magagamit sa iba pang mahalagang bagay na kakailanganin..Option 4

10. Inaaya ka ng iyong kuya at ate na kumain sa isang restaurant kasama ang inyong mga magkulang dahil kaarawan ni Nanay at dahil matagal na ring hindi kayo nakakalabas Ang bawa’t isa ay magbabahagi ng pera upang hindi mabigat sa bulsa. Alin sa mga sumusunod ang iyong sasabihin?
1 point
A. “Pwede ba nating ipagpaliban ang lakad? Mahal ang bilihin ngayon. Pwede naman
nating gawin iyan kapag wala nang implasyon.”
B. “Ayaw kong gumastos ngayon nang wala sa budget.”
C. Humingi tayo ng pera kay Tatay para panggastos.
D. Sige, pumili na lang tayo ng may package meal na pampamilya. Masisiyahan na tayo sa espesyal na okasyon at salu-salo, makakatipid pa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.