1. Ilan sa iyong kapitbahay ang madalas na bumibili sa tinda mo. Napansin mong
hindi nila nilalagay sa basurahan ang kanilang kalat, naisip mong maglagay ng
poster bilang paalaala. Alin sa sumusunod ang gagamitin mo?
A. Sa tingin mo ba okey dito ang pagkakalat?
B. Huwag magkalat. Magmumulta kapag nahuli ka.
C. Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang basurahan?
D. Pakitapon ang inyong mga kalat sa tamang basurahan.
2. Miyembro ka ng Boy o Girl Scout sa inyong paaralan. Napansin mong walang
gaanong tanim sa malawak na likurang bahagi ng gusali ng paaralan ninyo. Ano
ang imumungkahi mo sa pulong ninyong mga scouts upang mapaganda ang
inyong paaralan?
A. Gumawa ng islogan na may tema ng pagtatanim ng puno.
B. Hayaan ang opisyal ng paaralan na magpasiya tungkol dito.
C. Himukin ang lahat ng mag-aaral na maglaro sa bakuran ng paaralan dahil
malawak ito.
D. Humingi ng pahintulot sa mga opisyal ng paaralan para magtanim ng mga
puno sa paaralan.
3. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyekto na humihikayat sa lahat na
magtanim ng mga gulay sa kanilang likod-bahay. Paano ka makatutulong sa
proyektong ito?
A. Ikaw mismo ang magsisimulang magtanim.
B. Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto.
C. Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gustong gawin.
D. Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para proyektong nabanggit.
2
4. Napansin mong marumi at maraming kalat ang sapa na malapit sa inyong
paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Magkunwaring wala kang nakita.
B. Magkikibit balikat na lamang dahil wala ka namang magagawa.
C. Magsimula ng isang kampanya sa paglilinis kasama ang inyong pamilya.
D. Pupunta sa lokal na pamamahalaan upang ipasa ang mungkahi sa paglilinis.
5. Napansin mong nagbubuga ang sinasakyan mong dyip ng makapal at maitim na
usok. Ano ang gagawin mo?
A. Ipaabot ang sitwasyon sa tamang awtoridad.
B. Magsusumbong ka sa makikitang pulis at ipakulong ang drayber.
C. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.
D. Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw-araw.
6. Narinig mo ang lolo mo inuutusan niya ang kanyang tauhan na magkaingin sa
kanyang bukid o pagtabas at pagsunog ng matataas na damo. Alam mong may
masamang epekto sa tao at sa kapaligiran, ano ang gagawin mo?
A. Magagalit ka sa lolo mo.
B. Isusumbong mo ang mga lolo mo sa awtoridad.
C. Tatanggalin mo sa trabaho ang lahat ng mga manggagawa sa bukid.
D. Ipapaliwanag mo sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihin ang masamang
epekto nito sa tao at sa kapaligiran.
7. Maraming mga bote at bag na plastik ang nanay mo. Ano ang gagawin mo?
A. Susunugin mo ang lahat.
B. Babalewalain mo ang tungkol sa bagay na iyon.
C. Sasabihin mo sa nanay mo na ipamigay ang mga iyon.
D. Imumungkahi mo sa nanay mo na i-recycle ang mga ito.
8. Natutuhan mo sa klase ang halaga ng paghihiwalay ng basura. Ngunit hindi ito
naisasagawa sa bahay ninyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan lamang sila sa kanilang gawain.
B. Pagsama-samahin ang lahat ng basura sa isang lalagyan.
C. Hintayin ang mga magulang na sila ang magturo sa mga kapatid mo.
D. Maglaan ng mga basurahan para sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
9. Nais mong magtanim sa bakanteng lote sa inyong bakuran. Ayaw kang payagan
ng tatay mo dahil hindi mo rin naman daw maaalagaan ang mga ito. Ano ang
gagawin mo?
A. Iba na lang gagawin mo kahit labag sa kalooban mo.
B. Hindi ka na magtatanim dahil iyon ang sinabi ng tatay mo.
C. Hahanap ka ng ibang bakanteng lote upang mapagtaniman.
D. Hihilingin mong payagan kang magtanim para makita niyang may
pananagutan ka sa pag-aalaga ng halaman.
10.Nadaanan mo ang iyong kaibigan na akmang itatapon sa ilog malapit sa inyo ang
kanilang basura. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi papansinin ang kanyang ginagawa.
B. Hayaan lang siya dahil gawain mo din iyon.
C. Pigilan at ituro ang tamang tapunan ng basura.
D. Tutulungan mo ang iyong kaibigan sa kanyang ginagawa

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.