Questions


October 2022 1 2 Report
Wik 1: Karunungang-bayan

A. aPanuto:Iugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga

pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Piliin ang tiik ng sagot at isulat ito sa angkop na

kolum ng talahanayan. ( 10 pts )

Karunungang-bayan

Kaisipan

Pangyayari sa tunay na buhay sa

Kasalukuyan

1. Pag nagtanim ng hangin

Bagyo ang aanihin

2. Ubos-ubos biyaya

Bukas nakatunganga

3. Ang lumalakad nang

matulin

Kung matinik ay

malalim

4. Nasa Diyos ang awa

Nasa tao ang gawa

5. Anak na di paluhain

Ina ang patatangisin

Pagpipilian ng mga Kaisipan

a. Ang taong walang habas kung gumasta kadalasang walang nagagamit sa oras

ng pangangailangan

b. Kapag namuhay tayo sa kasamaan, kasamaan din ang karaniwan nating

kinasasadlakan

c. Ang batang hindi pinatikim ng disiplina kadalasang sakit sa ulo ng kanilang

magulang

d. Ang nagsisikap sa buhay ang kadalasang nagtatamo ng gantimpala sa buhay

e. Hindi masama na mahalin nang lubusan an gating mga anak

f.

Anumang bunga na kinuha sa pilit kadalasan ito ay mapait

Pagpipilian ng mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan

a. Dahil tayo ay nagkakaisa sa pagsunod sa mga safety protocol ay unti- unting nakikita ang pagbaba

ng kaso ng covid-19 sa bansa.

b. Ang batang hinubog sa karahasan ay karahasan din ang nagiging gawi sa buhay dahilan para

sila’y maging sakit ng lipunan

c. Ang sobrang pagpapalayaw sa anak ay kalimitang sakit sa ulo ng magulang kaya karamihan sa

kanila ay napaririwara sa buhay dahil hindi naituro sa kanila ang tama at mali.

d.

Maaaring katulad nito ay ang mga taong kung gumasta pagkakatapos ng suweldo ay walang

pakundangan kaya kadalasang ubos na ang pera kahit wala pang suweldo ulit.

e. Kung ikaw ay kapitan ng barangay huwag ka munang magarap maging senador dahil wala ka pang

gaanong kaalaman sa pamumuno na nagbubunga tuloy ng hindi epektibong opisyal ng bansa.

F . Ang pag-iimpok ay mahalaga sa kinabukasan ng bawat isa sa atin.



please pa answer po ibebrainliest kopo kayo pagnaka tama​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.