Para sa bilang 12-15. Tukuyin kung anong uri ng
pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa sumusunod
na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa
sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang
ibang tao
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang
maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
C. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng
kapwa
D. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit
pa makapinsala ng ibang tao 12. Ipagkakalat ni Sarah na ampon ang kaniyang kaklase kahit
na ito ay hindi naman totoo. Naiinis siya rito dahil malapit
ito sa lalaking kaniyang nagugustuhan.
13. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Mateo dahil sa
isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na
mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na
magpapanggap na magulang niya.
14. Makulit at madaldal si Rico sa klase. Madalas na nahuhuli
siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip
ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase.
Minsan ay pinaltok niya ng papel ang kaniyang kamag-aral
ngunit tumama ito sa kaniyang guro. Sa halip na aminin
ang ginawa ay itinuro niya ang isang tahimik na kaklase
upang siya ang pagalitan.
15. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang
inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang
mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam
niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil
napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo
namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan
siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka
niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na
ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay.
Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong
kaibigan.
Answers & Comments
Answer:
12. c
13. b
14. d
15. a
Explanation:
hope it helps! :)