#31 FILIPINO PASAGOT NG MAAYOS
Copied/Nonsense/Unhelpful =Report
Part #1
1.)Ano ang Balagtasan?
2.) Bakit mahalaga ang mga tauhan? (Lakandiwa at Mambabalagtas)
3.)Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa
4.) Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Sparta at Athens.
Part #2
PAGSANGAYON O PAGSALUNGAT . Ilagay lamang ang pagsangayon kung nagsasangyon ito at pagsalungat kung nagsasalungat ito
1.)Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya tungkol sa kabutihan ng diborsyo
2) Ganoon din ang gusto kong mangyari sa ating samahan.
3) Kaisa nila ako sa mga pagbabagong nais nilang ipatupad para sa bayan.
4) Ikinalulungkot ko ngunit hindi tama ang mga sinasabi mo kanina.
5) Sang-ayon ako sa mahigpit na pagpapatupad ng pagsuot ng face mask at face shield.
6) Maling-mali talaga siya sa pagpili sa magiging lider ng ating pangkat.
7) Tunay na pinagpapala ang mga mabubuti ang puso at may nakalaang palasyo para sa
kanila.sa langit.
8) Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi na aasa ka na lamang sa iyong mga magulang.
9) Bilib ako sa iyong sinabi na mapapalad ang mga mapagkumbaba sapagkat itataas sila
ng Panginoon.
10.)Lubos akong nananalig na maibabalik din ang inalis na istasyon.
Answers & Comments
Answer:
1. Ano ang Balagtasan?
Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang panig ukol sa isang paksa.
2. Bakit mahalaga ang mga tauhan? (Lakandiwa at Mambabalagtas)
Mahalaga ito upang mapaganda at mas maging masaya at masagana at may papapuntahan ang ating binabasang balagtasan.
3. Dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa
Para mas lalo pang mapabuti ang kakayahan ng mga tao sa pakikipag balagtasan at kailangan rin natin itong pahalagahan at palaganapin upang mas lalo pang mapahal sa atin ang ating kultura o lipunan at mamayanan.
4. Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Sparta at Athens.
Sparta:
Ang Sparta ay may pangunahing layunin na magpapalakas ng mga katawan upang ipagtanggol nila ang kanilang lungsod ng estado at sila ay nakakatuon sa pag ensayo para sa digmaan.
Athens:
Ang Athens ay ang nag dedesisyong ng pamahalaan sa mga akakarami at meron silang pamahalaang demokrasya at pinagtutuunan nila ng pansin ang pagpapayaman sa kaalaman.
Pagsalungat 1. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya tungkol sa kabutihan ng diborsyo
Pagsang-ayon 2. Ganoon din ang gusto kong mangyari sa ating samahan.
Pagsang-ayon 3. Kaisa nila ako sa mga pagbabagong nais nilang ipatupad para sa bayan.
Pagsalungat 4. Ikinalulungkot ko ngunit hindi tama ang mga sinasabi mo kanina.
Pagsang-ayon 5. Sang-ayon ako sa mahigpit na pagpapatupad ng pagsuot ng face mask at face shield.
Pagsalungat 6. Maling-mali talaga siya sa pagpili sa magiging lider ng ating pangkat.
Pagsang-ayon 7. Tunay na pinagpapala ang mga mabubuti ang puso at may nakalaang palasyo para sa kanila sa langit.
Pagsalungat 8. Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi na aasa ka na lamang sa iyong mga magulang.
Pagsang-ayon 9. Bilib ako sa iyong sinabi na mapapalad ang mga mapagkumbaba sapagkat itataas sila ng Panginoon.
Pagsang-ayon 10.Lubos akong nananalig na maibabalik din ang inalis na istasyon.
#CarryOnLearning