UNAWAIN NATIN Mayroon ba kayong karanasan na kung saan kayo ay napagsabihan o napuna sa iyong mga naging kilos at pananalita? O hindi naman kaya tayo ang nakapanakit bunga ng ating mga sinabi o nagawa? May kasabihan tayo “ANO MANG BAGAY NA NASABI MO NA, KAILAN MAN AY HINDI NA MAAARING IBALIK O BAWIIN”? Pamilyar ka ba dito? Ipahayag ang iyong kaisipan hinggil dito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa ibaba: Isulat ang mga kasagutan sa inyong papel 1. Ano ang pagkaka-unawa mo sa kasabihang ito? (Maaaring magtanong sa nanay o tatay) 2. Mula sa paliwanag ng iyong mga magulang, alalahanin ang mga sitwasyon na nakapagsabi ka ng hindi maganda sa iyong kapuwa. 3. Ano ang nararamdaman mo sa pagkasabi mo ng panahon na iyon? ano kaya ang naging reaksiyon ng taong iyong napagsabihan? 4. Tama ba o mali ang paraan ng pagkakasabi mo sa iyong kapuwa ng mga panahong iyon? 5. Kung iyong babalikan ang sitwasyon na iyon, ano sana ang dapat mong sinabi upang hindi ka nakapanakit ng damdamin ng iyong kapuwa?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.