BALIKAN NATIN Ang pagkamahinahon sa bawat sitwasyon ay isang mabisang paraan tungo sa matagumpay na gawain. Basahin at unawaing mabuti ang kuwento tungkol sa mga magkakaibigan kung paano nila nalutas ang isang suliranin at kung paano nila ito napagtagumpan naging matagumpay sa sa kanilang ginawa. Pagiging Mahinahon Letecia R. Latorre Magkaklase sina Mary Jane, Daisy, at Sheila. Kapwa sila mahuhusay sa klase kaya’t naatasan sila ng kanilang guro na si Gng. Gabarda na mag-ulat sa susunod na pagkikita sa klase. Mag-uulat sila tungkol sa napapabalitang bagong sakit na “Corona Virus” o “COVID 19” na lumalaganap sa buong mundo. “Daisy, ikaw nalang ang manaliksik tungkol sa iuuulat natin. Nakapagpasa ka naman ng proyekto sa EPP.” ang sabi ni Mary Jane. “Ayoko nga! Hindi papayag ang nanay ko kasi aalagaan ko pa ang kapatid ko. Ikaw naman ang lider sa grupo natin.” ang wika ni Daisy. Hanggang ang dalawa ay nag-irapan na sa isa’t-isa. Napansin ni Sheila na nagkakainitan na ang dalawa kaya’t nakisali na siya sa usapan. “Mary Jane at Daisy, huminahon kayo. Hindi natin magagawa ang ating gawain kung dadaanin natin sa init ng ulo. Dapat magtulungan at pag-usapan natin ng maayos ang gagawin.” wika ni Sheila. Biglang napayuko ang dalawa at nagkatinginan at nagkakaunawaan. “Tama ka Sheila. gawin natin ng maayos, magtulungan tayo sa isa’t isa.” bigkas ni Mary Jane. “Oo nga. Sige, ipapaliwanag ko nalang sa nanay ko na kailangan natin gawin ang ating iuulat. Ako na ang magsasaliksik. Dagdagan na lang ninyo ng iba pang detalye.” sagot ni Daisy. Dahil sa nagkasundo na ang magkakaibigan at napag-usapan na nila ng maayos ang mga dapat gawin, nakakuha sila ng mataas na marka sa kanilang guro. SAGUTAN NATIN 1. Paano nila nalutas ang kanilang suliranin? 2. Ano-ano ang nakatulong upang magkaunawaan ang magkakamag-aral? 3. Anong pagpapahalaga ang natutuhan mo mula sa binasa na kaugnay sa nakaraang aralin?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.