Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Lahat tayo ay nakaranas na ng pagsasalungatan paminsan-minsan. Maaaring madali natin itong makilala. Ngunit maraming uri ng pagsasalungatan. Kung minsan, hindi natin namamalayan na mayroon na palang nagaganap na pagsasalungatan. Ang mahalaga ay maiwasan natin ang pagsasalungatan kahit na iyon ay maaaring mangyari sa anumang oras. Kung hindi ito maiiwasan, kailangang malaman mo kung paano ito dadalhin. Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng positibong paraan ng pagdadala sa pagsasalungatan. Ito ay magsasabi sa iyo kung ano ang pagsasalungatan at tutulungan ka sa pagkilala sa uri ng pagsasalungatan na iyong nararanasan. Ito rin ay papatnubay sa iyo sa pagresolba ng pagsasalungatan kung saan ikaw ay kabilang. Ang modyul na ito ay binubuo ng dalawang aralin: Aralin 1 - Pag-unawa sa Pagsasalungatan Aralin 2 — Pagresolba ng Pagsasalungatan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.