Questions


September 2022 1 2 Report
Tuklasin
Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Ang Matalik na Magkaibigan Nasaksihan ni Haring Saul kung paano tinalo ni David ang mga sundalo ng Pilistina. Alam ni Haring Saul na mahal ni David ang Diyos. Alam din niya na si David ay matapang. Si Haring Saul ay may anak na nagngangalang Jonathan. Mahal din ni Jonathan ang Diyos. Gustung-gusto ni Prinsipe Jonathan si David nang buong puso. Mahal niya ito katulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Nangako si Jonathan kay David na siya ang kanyang magiging matalik na kaibigan. Maraming magagandang kagamitan si Jonathan. Ibinigay niya ang ilan sa mga ito kay David. Ibinigay niya kay David ang kanyang pinakamatalas na espada. Ibinigay din niya kay David ang kanyang pana. Kasama sa mga ibinigay niya ang kanyang mamahaling jacket. Ito raw ang magpapaalam sa mga tao na si David ay kaibigan ni Jonathan. “Maraming salamat sa pagbibigay mo sa akin ng iyong mga mamahaling kagamitan,” sambit ni David. “Salamat sa pagiging matalik kong kaibigan.” Si David ay naging isang kagalang-galang na heneral ng Israel. Marami siyang napanalong giyera. Umawit pa nga ang mga Israelita para kay David. “Libo-libo ang napatay ni Haring Saul, ngunit laksa-laksa naman ang kay David.” Ito ay ikinagalit ni Haring Saul. Lubhang sumama ang kanyang loob tungkol dito kaya nama’y sinubukan niyang saktan si David. Tinulungan naman ni Jonathan ang kanyang matalik na kaibigan na si David na makatakas mula sa hari. Kinuha mula sa Bibliya, Samuel 18 Mga tanong:

1. Sino-sino ang matalik na magkaibigan? __________________________________________________________________________
2. Ayon sa kuwento, ano-ano ang katangian ng isang kaibigan? __________________________________________________________________________
3. Ginagawa mo rin ba sa iyong matalik na kaibigan ang ginawa ni Jonathan para kay David? Bakit? __________________________________________________________________________
4. Paano mo ipinapakita ang iyong pagpapahalaga sa iyong matalik na kaibigan? __________________________________________________________________________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.