ARALIN
Basahin at unawain ang tula.
KABAYANIHAN ni: Jacquilene F. De Vera San Miguel Elementary School
Ang kabayanihan ay tatak na sa ating mga Pilipino Magandang kaugalian na tinataglay ng bawat tao Na atin ng nakagisnan mula pa sa ating mga magulang at ninuno Kung kaya’t atin namang ipamamana sa mga susunod na kabataan. Likas na sa ating mga Pilipino Ang maging matulungin sa kapwa-tao Lalong-lalo na sa mga panahong ito Pandemyang Covid-19, hindi mo kami magugupo. Ito ay atin ng napatunayan at nasaksihan Kahit buhay ng ating mga Frontliners ang kabayaran Lahat ay kanilang gagawin, matulungan ka lamang Sila ang magigiting na mga bayani sa kasalukuyan. Ika nga nila mapapagod, ngunit hindi kailanman susuko Para sa kapakanan ng aking kapwa Pilipino Kung kaya’t aking kaibigan, sila ay bigyang pugay at pasalamatan Saludo po kami sa inyong KABAYANIHAN!
➢ Naintindihan ba ninyo ang tula mga bata?
➢ Kung ganun sagutin natin ang mga tanong
ayon sa tula.
a. Ano ang pamagat ng tula? ________________________________________
b. Bakit ito pinamagatang “Kabayanihan”? ________________________________________________________________ c. Sino-sino ang tinutukoy sa tula na magigiting na bayani? Bakit? ________________________________________________________________
d. Bilang isang bata, paano mo maipakikita ang pagiging isang mabuting mamamayang Pilipino? ________________________________________________________________
Answers & Comments
Answer:
A.Kabayanihan
B.Dahil sa Pagbuwis ng
Buhay ng ating mga
frontliners para lamang
Matapos na Ang pandemya
C.Ang ating mga magigiting
na frontliners
D. Bilang Bata maipapakita
ko Ang aking pagiging Isang mabuting
Pilipino Sa pagsunod sa mga health
Protocols para matapos na Ang
pandemyang kinakaharap ngyon ng mga
tao
Answer:
a.kabayanihan.
b.dahil sa pagbuwis ng buhay ng mga frontliners dahil handa silang ibigay ang buhay para lamang iligtas ang mga kababayan nila.
c.ang mga frontliners.
d.bilang sa aking opinion ay mananatili akong tapat at mabuting mamamayang pilipino para sa ating bansa